top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | June 5, 2024



File photo


Nasawi ang isang tao at naiipit ang 30 iba pa sa pagbagsak ng minahan sa nayon ng Galkogo sa Estado ng Niger sa gitnang Nigeria, ayon sa emergency agency ng estado noong Martes.


Inihayag ni Hussaini Ibrahim, tagapagsalita ng Niger State Emergency Management Agency (NSEMA), na anim na mga minero ang nasagip na may malubhang pinsala.


Ayon pa sa kanya, naganap ang insidente sa ilalim ng minahan ng ginto noong Lunes matapos lumambot ang lupa sa paligid ng minahan dahil sa malakas na ulan, na nagdulot ng pagguho.


Sinabi ni Ibrahim na sa ngayon, patuloy ang mga pagsisikap sa pagliligtas ng iba pang mga biktima.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 24, 2024




Mahigit sa 200 na mag-aaral at kawani ang dinukot ng mga armadong lalaki mula sa isang paaralan sa Nigeria nu'ng Marso ang pinalaya na, ayon sa opisina ng gobernador ng estado ng Kaduna nitong Linggo.


Ilang araw na mas maaga ang nasabing pagpapalaya sa mga bihag bago ang takdang petsa ng pagbibigay ng halos P38-milyong ransom.


Ang naganap na insidente nu'ng Marso 7 sa Kuriga sa Kaduna State ang unang malawakang pagdukot na ginawa sa pinakamataong lugar sa Africa mula pa nu'ng 2021 nang mahigit sa 150 na mag-aaral ang dinukot mula sa isang paaralan sa nasabing lugar.


Sa kabilang banda, walang naitalang nasaktan sa mga pinalayang bihag.


Nagpahayag din ang Kaduna governor na si Uba Sani na nakipag-ugnayan ang National Security Adviser ng kanilang bansa para sa ligtas na pagpapalaya sa mga mag-aaral at hindi na ito nagbigay ng ibang detalye.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 14, 2024




KADUNA, Nigeria — Humingi ng malaking halaga ng ransom ang mga armadong lalaki na bumihag sa 287 estudyante sa Nigeria.


Sinabi ng lokal na residente noong Miyerkules na gusto ng mga kidnappers ng isang bilyong naira ($621,848) o papatayin nila ang mga estudyante na kinidnap noong Marso 7 sa bayan ng Kuriga.


Nasabi rin na naghihiganti ang grupo laban sa pamahalaan at mga ahensyang pangseguridad dahil sa pagpatay sa ilang mga miyembro ng kanilang gang.


Noong Miyerkules, sinabi naman ni Mohammed Idris, ang ministro ng impormasyon ng bansa, sa mga mamamahayag na naniniwala si President Bola Tinubu na dapat palayain ng mga pwersa ng seguridad ang mga bihag sa Kuriga nang hindi binabayaran ang mga kidnapper.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page