ni Angela Fernando @News | May 18, 2024
Ihinirit ng National Food Authority (NFA) ang P16.3-bilyong pondo para sa pagbili ng palay sa 2025.
Saad ng NFA Acting Administrator na si Larry Lacson, ang pondo ay para makamit ang target na dami para sa national buffer stock at dagdag na budget para sa pag-upgrade ng storage capacity.
Kasalukuyang pinag-uusapan pa sa Kongreso kung ibabalik pa sa NFA ang kanilang pribilehiyong mag-angkat at magbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Iginiit naman ni Lacson na bukod sa pondo para sa pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka sa 'Pinas, kailangan ding magtayo ng karagdagang pasilidad sa pag-iimbak at pagsasaayos ng mga drying facilities sa bansa.
Magugunitang may P9-bilyong pondo ang inilaan sa NFA para sa pagbili sa mga palay sa taong ito.