ni Eli San Miguel @News | Jan. 10, 2025
File Photo: Senate of the Philippines
Inanunsiyo ng Senado nitong Biyernes ang pagsuspinde ng trabaho sa Enero 13, kaugnay ng National Rally for Peace na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila na inorganisa ng Iglesia ni Cristo (INC).
"Consistent with Memorandum Circular No. 76 issued by the Office of the President earlier today suspending work in all government offices in the Cities of Manila and Pasay on 13 January 2025 to allow for the organized conduct of the 'National Rally for Peace' by the Iglesia ni Cristo, Senate President Francis 'Chiz' Escudero has instructed that work in the Senate shall be suspended on Monday, 13 January," saad sa advisory na inisyu ni Senate Secretary Renato Bantug Jr.
Hindi sakop ng pagsuspinde ng trabaho ang mga tauhan ng Senate Sergeant-at-Arms at Maintenance and General Services. Magpapatuloy ang sesyon ng Senado sa Enero 14 ng alas-3 ng hapon.