ni BRT @News | Mar. 29, 2025
File Photo: FP
Muling tataas ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.
Tinatayang hanggang P1.35 ang dagdag sa kada litro ng gasoline, P1.25 sa diesel at P1.10 naman sa kerosene.
Ayon sa Department of Energy, ang pagtaas ay dulot ng pandaigdigang pangyayari tulad ng parusa ng U.S. sa Iran, patuloy na pag-atake ng Russia at Ukraine sa mga pasilidad ng enerhiya, at banta ng taripa ng U.S. sa mga bansang bumibili ng langis mula Venezuela.
Ang opisyal na pag-anunsyo ng price adjustment ay sa Lunes na ipatutupad ng Martes.