ni Jeff Tumbado @News | September 27, 2023
Kahit offline ang sistema sa pagproseso ay tuloy ang aplikasyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) sa main office nito sa Mother Ignacia Branch, Quezon City sa kabila ng nangyaring pag-hack ng cyberhackers na Medusa ransomware kung saan humihingi ng ransom na $300,000 o P17M kapalit ng pagbalik muli sa normal na operasyon ng ahensya.