ni Eli San Miguel @News | May 16, 2024
JAKARTA — Umabot na sa 67 ang bilang ng mga namatay dahil sa mga pagbaha at mud slides noong nakaraang linggo sa lalawigan ng Western Sumatra sa Indonesia, ayon sa mga otoridad nitong Huwebes.
Bukod dito, mayroon pang 20 na nawawala, kaya't nagpaplano na ang pamahalaan na ilipat ang mga natirang survivors sa mas ligtas na lugar.
Ayon sa pahayag ng national disaster management agency na BNPB, lima sa 25 na dating nawawala ang natagpuang patay, na nagpataas sa bilang ng nasawi mula sa 62 na iniulat noong Miyerkules.
Higit sa 4,000 katao ang nailikas sa mga kalapit na gusali at temporary shelters.
Nasira naman ang hindi bababa sa 521 na mga bahay, 31,985 ektarya ng lupa kasama ang mga palayan, 19 na tulay, at karamihan sa mga pangunahing kalsada.