ni Angela Fernando - Trainee @News | March 11, 2024
Nasugatan ang hindi bababa sa 50 katao nang biglang bumagsak ang Boeing 787 na pinamamahalaan ng LATAM Airlines (LTM.SN) mula Sydney patungong Auckland nitong Lunes, ayon sa airline.
Nakaranas ang eroplano ng malakas na pagyanig na nagresulta sa 10 pasahero at tatlong kawani ng cabin crew na madala sa isang ospital, pagbabahagi ng South American carrier habang iniimbestigahan ang sanhi ng pangyayari.
Nag-land ang nasabing flight na may 263 pasahero at siyam na kawani ng cabin crew sa Auckland airport base sa oras ng takdang pagdating nu'ng Lunes ng hapon.
Isa ang nasa kritikal na kalagayan habang ang iba ay sugatan, saad ng tagapagsalita ng Hato Hone St John, na gumamot sa halos 50 katao sa paliparan.
Samantala, hindi agad natukoy ang dahilan ng tila biglaang pagbabago ng trajectory ng LATAM 800.
Sinasabi ng mga safety experts na karamihan sa mga aksidente sa eroplano ay sanhi ng pinaghalo-halong mga rason na kailangang aralin mabuti.