top of page
Search

ni Lolet Abania | November 2, 2021



Nakatakdang dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte online sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting na pangungunahan ng New Zealand sa Nobyembre 12, 2021.


Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang agenda sa magaganap na pulong ngayong taon ay tungkol sa global economic outlook, COVID-19 recovery, at building prosperity.


Kasama sa pagpupulong ang presentasyon ng International Monetary Fund (IMF). Ang Thailand, ang susunod na chair ng APEC, na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations katulad ng Pilipinas.


Noong nakaraang taon na APEC meeting, nanawagan si Pangulong Duterte hinggil sa pagpapatatag ng pagsasamahan ng mga bansa aniya, “strengthen partnerships to make [COVID-19] vaccines a global public good.”


Sa ngayon, nasa 27 milyong Pilipino ang fully vaccinated na kontra-COVID-19. Target ng gobyerno na makapagbakuna ng 50% mula sa populasyon ng Pilipinas na 109 milyon bago matapos ang taon at 80% naman hanggang Mayo 9, 2022.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 22, 2021



Pinalawig pa ang national lockdown sa New Zealand dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Auckland at Wellington.


Ayon kay Prime Minister Jacinda Ardern, ang inisyal na tatlong araw na lockdown ay palalawigin ng apat pang araw. Saad pa ni Ardern, "We just don't quite know the full scale of this Delta outbreak.


All in all, this tells us we need to continue to be cautious.” Samantala, ayon sa ulat, 2,992 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa New Zealand at 26 ang death toll. Umani ng papuri ang New Zealand dahil sa “COVID zero” response ng naturang bansa noong mga nakaraang buwan ngunit naging mabagal ang vaccination rollout kung saan 20% lamang ng populasyon ang nakakumpleto na ng bakuna.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 6, 2021




Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang New Zealand kagabi, Huwebes, bandang alas-9:21 PM (Philippine Standard Time) na may lalim na 10 km, ayon sa Phivolcs.


Kaagad na itinaas ang tsunami threat sa New Zealand at inaasahang magdudulot ito ng light to moderate damages lalo na sa mga lugar na malapit sa episentro ng lindol kung kaya’t nagbabala ang National Emergency Management Agency (NEMA) ng bansa at inabisuhang lumikas ang mga residenteng apektado ng insidente.


Pahayag ng NEMA, “This evacuation advice overrides the current COVID-19 Alert Level requirements. Do not stay at home if you are near the coast and felt the earthquake LONG or STRONG.


“Evacuate immediately to the nearest high ground, out of all tsunami evacuation zones or as far inland as possible. Stay 2 meters away from others if you can and it is safe to do so.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page