ni Eli San Mguel @News | June 10, 2024
Nagkasundo ang Pilipinas at New Zealand nitong Lunes na palakasin ang kanilang kasulukuyang ugnayan sa mga usapin ng pulitika at seguridad pati na rin sa pagbubukas ng bagong mga lugar para sa kalakalan at pamumuhunan, ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo. Nangyari ito habang nasa pagpupulong si Manalo kasama si New Zealand Deputy Prime Minister at Foreign Minister Winston Raymond Peters na nasa opisyal na pagbisita sa Pilipinas.
“We agreed to strengthen our existing mechanisms for cooperation on political, security and defense and labor, and to open new avenues for partnerships in trade and investment that leverage our respective strengths while promoting our national priorities, particularly on renewable energy and combating climate change,” pahayag ni Manalo.
“We welcomed the signing of the Mutual Logistics Support Arrangement (MLSA), a pivotal document that will greatly enhance future military engagements between our nations,” dagdag niya. Inihayag ni Manalo na nagkasundo rin ang Pilipinas at New Zealand na magkaroon ng mas madalas na palitan ng high-level visits at pag-usapan ang mga paraan upang madagdagan ang kanilang konektibidad sa pamamagitan ng mga air flights at visas.
“In this regard, I expressed appreciation for New Zealand’s recognition of the vital contributions of the Philippine diaspora to New Zealand’s continued economic prosperity and the richness of its social fabric, and conveyed the hope that their government will ensure the well-being of our kababayans, including safeguarding their hard-earned social security pensions,” ani Manalo. “We reaffirmed our continued commitment to uphold the rule of law as a pillar to achieving peace and security in the region,” dagdag pa niya.