top of page
Search

ni Lolet Abania | July 5, 2022



Pitong sundalo ang nasugatan, kabilang ang dalawa na nasa kritikal na kondisyon, matapos isang anti-personnel mine ang sumabog sa gitna ng kanilang community service sa Mapanas, Northern Samar, ngayong Martes.


Ayon sa military, ang tropa mula sa 20th Infantry Battalion at 63rd Infantry Battalion (63IB) ay nagsasagawa ng immersion activities nang mangyari ang pagsabog ng alas-6:15 ng umaga.


“Of the seven, dalawa ang critical, so ongoing ang evacuation nila sa hospital,” pahayag ni 8ID commander Major General Edgardo de Leon.


“Hopefully malagpasan nila ‘yung kanilang ordeal na, nagko-community service na nga, pinasabugan pa ng anti-personnel mine,” ani De Leon.


Isinisi naman ni De Leon sa grupo ng mga communist rebel na New People’s Army (NPA) ang naganap na pag-atake sa mga sundalo habang kinondena ang mga ito dahil sa umano paglabag sa batas na aniya, nagbabawal sa paggamit, stockpiling, produksyon at pag-transfer ng anti-personnel mines.


Ayon kay De Leon, nagsasagawa na ang mga awtoridad ng pursuit operations para sa ikaaaresto ng mga sangkot na mga rebelde habang aniya, inihahanda na rin ang kaukulang kaso na isasampa laban sa mga suspek dahil sa paglabag sa International Humanitarian Law (IHL).


Sinabi naman ni De Leon na walang sibilyan na nasaktan sa insidente.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 5, 2021



Isa ang patay at 2 ang sugatan sa pananambang ng New People’s Army (NPA) sa 85th Infantry Battalion unit ng Philippine Army sa Buenavista, Quezon kaninang tanghali.

Ayon sa ulat, pabalik na sana ang Philippine Army sa kampo mula sa isang gift-giving activity sa Beunavista, Quezon nang maganap ang insidente.

Kaagad namang dinala sa ospital ang dalawang sugatan.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 30, 2021




Patay ang hinihinalang lider ng New People’s Army (NPA) na si Reynaldo Bocala, matapos umanong manlaban sa mga awtoridad sa bayan ng Pavia, Iloilo.


Ayon sa ulat ng 3rd Infantry Division (ID) Philippine Army, kinilala si Bocala bilang tagapamuno sa Regional Finance Bureau ng Komiteng Rehiyon-Panay ng NPA.


Dagdag pa ng pulisya, taong 1990 nang makasuhan si Bocala sa isang korte sa Antique dahil umano sa murder. Dati na rin siyang inireklamo ng robbery in band with frustrated homicide and damage to property.


Naging subject din siya ng arrest warrant noong 2005 para sa reklamong robbery with serious physical injuries. Inakusahan din siya ng destructive arson.


Nitong Biyernes naman nang maganap ang panlalaban niya sa mga awtoridad na naging dahilan ng pagkasawi.


Nakuha sa kanya ang 2 pistol, isang laptop at 5 cellphone.


Nasawi rin sa operasyon ang umano’y kasamahan niyang si Welly Epago Arguelles.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page