top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 27, 2020




Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng bagong task force na kabibilangan ng mga medical experts na tututok sa bagong COVID-19 variant na unang naitala sa United Kingdom.


Pahayag ni P-Duterte, “I’d like to ask the (Department of Health) Secretary (Francisco) Duque and Department of Health and the Department of Science and Technology (DOST)… I’d like them to… government itself should create another task force.


Hindi itong atin (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases). Wala man tayong alam diyan. Nakatutok… medical. Ideally it should be medical persons na nakatutok lang talaga riyan sa bagong strain whether or not it is here or not and whether it is as virulent as the… itong… sabi naman ni Doktora (Dr. Marissa M. Alejandria), hindi masyado.


It is not as toxic as itong si COVID-19, si original, ‘yung tatay. So, but… I think that we should not really be complacent about it.


“We should treat the virus as a deadly disease that could be entering the Philippines. “Mahirap kasi kung mag-ano tayo, whether or not itong ano na ito is as virulent or as toxic as COVID-19… para sa akin pareho.


The contact is there, the possibility of contact is there because you have to talk to people and in the transit, a lot of locals are there working. “The policemen, the security guards are there, and while waiting I said they are in a room that maybe somebody, somehow, would pass it on to a Filipino coming home.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 27, 2020




Mabilis na nagpatutsada sa Twitter si Senator Panfilo Lacson na tila pasaring sa naging pahayag ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na ikonsidera lamang ang travel ban kung nasa lebel na ng community transmission ang new variant ng COVID-19 mula sa United Kingdom.


Sa isinagawang pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang ilang miyembro ng Cabinet, saad ni Duque, “Ikonsidera lamang ang travel ban, Mr. President kung nasa lebel na ng community transmission ang new variant sa naturang bansa (UK).”


Tweet naman ni Lacson, “Hayaan daw munang kumalat sa Pilipinas ang COVID-19 variant mula sa UK bago mag-travel ban. Galit ba sa Pilipino ang taong ito?”


Sa ngayon ay wala pang sagot si Sec. Duque sa naging pasaring ni Sen. Lacson.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page