ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 27, 2024
Photo: Ms. Neri Miranda - Instagram
Matapos maging controversial kamakailan ang Kapuso actor na si Ken Chan na sinampahan ng syndicated estafa ng ilang investors sa kanyang negosyo, bulung-bulungan naman sa showbiz ngayon na diumano'y inaresto ang misis ni Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda na si Neri Naig-Miranda.
Sa event na dinaluhan namin sa Bacoor Government Center Christmas tree lightning last Monday ay isang source ang nagtsika sa amin na nakapiit daw sa isang kulungan sa Maynila ang dating aktres-turned entrepreneur.
Ang mismong staff daw ng kulungan na ito sa Maynila ang nagtsika sa aming source.
Pero bukod sa nakuha naming chika, may ilan na ring naglabas ng balita sa social media na diumano'y inaresto si Neri dahil sa paglabag sa Section 8 ng Republic Act (RA) 8799 o mas kilala bilang "Securities Regulation Code" na nagsasabing "No one can buy, sell, or act as a salesman or associated person of a broker or dealer in the Philippines without being registered with the Commission on Security and Exchange (SEC)."
Tsinek namin ang mismong Instagram account ng mag-asawa para makibalita kung ano ba ang ganap nila ngayon, pero 4 days ago pa ang huling post ni Neri kung saan binabati nito ang anak na nag-birthday, habang si Chito ay 8 hours ago ang last post na Lego figure naman na pag-aari raw ng kanyang anak ang ipinakita.
Marami ang naghihintay ngayon sa panig ng mag-asawang Chito at Neri para mabigyang-linaw ang kumakalat na balita.
Bukas ang aming kolum at pahayagang BULGAR para sa paglilinaw ni Neri Miranda.
Sinindihan na ang mga ilaw sa malaking Christmas tree at iba pang makislap na mga parol sa harap ng Bacoor City Government Office sa may Molino Boulevard, Bacoor City last Monday.
Nasaksihan namin ang pasinayang ito sa pangunguna siyempre ni Bacoor City Mayor Strike Revilla.
Kasama niya ang iba pang opisyales ng Bacoor gaya ng representante ng lungsod sa Kongreso na si Lani Mercado-Revilla, Vice-Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Cavite's 2nd District (lone district of Bacoor) Board Member Ramon Vicente “Ram Revilla” Bautista, Agimat Partylist Bryan Revilla, BM Edwin Malvar at iba pang opisyales ng lungsod.
Kasabay ng Christmas tree lighting sa Bacoor Government Center (BGC) ground ang opisyal na paglulunsad ng pamahalaan ng Bacoor ng programang Strike Festival.
Ayon kay Mayor Strike, “Na-conceptualize ang Strike Festival ilang araw lang ang nakalipas. Naisip ko, dahil sa totoo lang, nakita natin ‘yung dinanas natin sa past few months. Dumaan tayo sa pagsubok — putok ng bulkan, bagyo at sunog, ‘di talaga tayo nakaligtas.
“Ngayon, may dengue, may depresyon, may mga depressed na namamatay, nagpapakamatay dahil sa hirap. Pero sabi ko nga, ano ba'ng kailangan kong gawin this time?
“Alam ko, hindi ganu’n kadali. Pero sabi ko, gusto kong mapaligaya natin kahit sa maliit na paraan ang mga Bacooreño. Kaya po natin ginawa itong Strike Festival.”
Ang event ay inorganisa ng Department of Tourist and Cultural Affairs headed by Mr. Edwin Guinto, brought together a diverse crowd, including city officials, employees, NGOs, at ang komunidad kasama na ang mga magulang at guardians ng 750 daycare children.
Nakisaya rin ang mga barangay officials and Miss Tourism.
The launch featured a series of exciting activities, including the announcement of the Strike Scholarship program for 750 daycare children, the ceremonial opening of the Christmas Bazaar, a vibrant lantern parade, and the highly anticipated Christmas tree lighting.
Ang Strike Festival program promises a month-long celebration filled with cultural events, entertainment, and community activities, culminating in a grand New Year’s Eve celebration.