ni Lolet Abania | March 15, 2021
Nagpositibo sa test sa COVID-19 si Negros Oriental Representative Jocelyn Sy Limkaichong. Sa Facebook post ni Limkaichong ngayong Lunes, inanunsiyo nitong tinamaan siya ng COVID-19 kung saan siya ay asymptomatic habang sumasailalim na sa quarantine sa Manila.
“Despite strictly following health protocols and being extra careful in public spaces, I still acquired the virus,” ani Limkaichong.
Ipinaalam na rin ng congresswoman sa lahat ng kanyang naging close contacts ang tungkol sa kanyang health condition at hinimok ang mga ito na sumailalim sa test sa COVID-19.
“To be safe from COVID, no less than an abundance of caution is necessary.
The current outbreak is a matter that we must take seriously if we want to put an end to this pandemic,” sabi pa ni Limkaichong.