top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 14, 2021



Kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR o antigen test ang mga biyahero mula sa Bohol at Negros Oriental at Occidental na pupuntang Cebu simula ngayong araw, Hunyo 14 hanggang sa July 24, ayon sa lokal na pamahalaan.


Ayon sa Cebu Provincial Government, kailangang isagawa ang RT-PCR test sa loob ng 72 oras bago ang biyahe papuntang Cebu at ang rapid antigen test naman ay kailangang isagawa 48 hours bago bumiyahe.


Ayon naman kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ito ay ipinatupad bilang pag-iingat dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Bohol at Negros.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 24, 2021




Patay ang walong hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) sa naganap na sagupaan sa pagitan ng mga awtoridad na tumagal nang mahigit 3 oras sa Guihulngan City, Negros Oriental nitong Martes, Marso 23.



Ayon kay Acting Commander Colonel Michael Samson ng 303rd Infantry Brigade, "I urge our soldiers to relentlessly pursue the NPAs who had been threatening our people in the countryside.”


Dagdag pa niya, “I also encourage the people to continue giving information on the presence of NPAs in their communities in order for us to prevent them from casting terroristic activities that could hamper the ongoing peace and development in the area."


Maliban sa katawan ng mga nasawi ay narekober din ang pagmamay-ari umano nilang 11 na malalakas na baril.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page