ni Jasmin Joy Evangelista | March 30, 2022
Nag-file ng reklamo ang provincial government laban sa mga tao sa likod ng pekeng Facebook accounts ng Negros Occidental.
Ayon kay Provincial Administrator Rayfrando Diaz, hindi pagmamay-ari ng Negros Occidental ang mga accounts na gumagamit ng seal at pictures ng kapitolyo bilang cover photo nito.
Ang isang account ay ginagamit ang lumang provincial government seal kung saan nakasaad sa page na ito ay “media/news company” na naglalathala ng mga news stories.
Idinulog na umano ng Negros Occidental government sa Facebook na i-block ang mga naturang pekeng account.