ni Jasmin Joy Evangelista | November 12, 2021
Patuloy pang tinatalakay ng Metro Manila Council kung papayagan na ang paglalaro ng basketball, ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos.
Para talakayin ang isyung ito, bumuo na ng technical working group na binubuo ng city health officers ng bawat local government unit sa Metro Manila.
Matatandaang batay sa panuntunan ng IATF sa Alert Level 2, pinapayagan naman ang contact sports pero may requirement pa rin, gaya ng 50% capacity sa indoor at 70% capacity sa outdoor at bakunado dapat ang mga manlalaro.
Pero ayon kay Abalos, pinangangambahan nilang kumalat ang COVID-19 dahil sa laro kung kaya patuloy pa rin nila itong pinag-uusapan bago maglabas ng pinal na desisyon.