ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 1, 2021
Maaari nang magpunta sa Boracay ang mga turista mula sa NCR Plus areas na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal simula ngayong araw, June 1 hanggang sa June 15, ayon sa Malay Tourism Office.
Sa Facebook post ng Malay Tourism Office, anila, “IATF-EID Resolution 118A now ALLOWS NCR+ tourists to Boracay beginning today until June 15, 2021 while Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal are on GCQ with Restrictions.”
Saad pa ng Malay Tourism Office, kung papalawigin pa ang pagsasailalim sa NCR Plus sa general community quarantine (GCQ) pagkatapos ng June 15, tuloy pa rin silang tatanggap ng mga turista mula sa mga lugar na nasasakupan nito.
Anila pa, “NOTE: If NCR+ becomes plain GCQ after June 15, it would be a continuous take off. If NCR+ goes up again to MECQ, it may stop leisure movements again.
“Other tourists coming from other GCQ/MGCQ areas are always accepted in Boracay.”
Paalala pa ng Malay Tourism Office, “Check with the airlines for flight availability.
“The same local government unit (LGU) requirements and guidelines apply.”