ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 5, 2021
Pansamantalang pinagbabawalan ang mga residente mula sa NCR Plus areas, Cebu City, at Davao City na pumunta sa Region VI hanggang sa April 10, ayon sa inilabas na pahayag ng Malacañang ngayong Lunes.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay base sa inihaing rekomendasyon ng mga local officials ng Region VI dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ang NCR Plus ay binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Samantala, noong Linggo, pumalo na sa 795,051 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 646,100 ang mga gumaling na at 13,425 ang mga pumanaw.