top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | July 23, 2023



Aprubado ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang suspensyon ng klase at trabaho sa Metro Manila.


Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pananalasa ng Bagyong Egay at maibsan ang epekto ng tigil-pasada kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, bukas Hulyo 24.


Ginawa ng Palasyo ang anunsyo matapos na lagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Memorandum Circular No. 25 noong Hulyo 21, at inilabas kahapon.


“In view of the forecasted inclement weather brought about by Typhoon ‘Egay’ and the scheduled seventy-two (72)-hour transport strike in Metro Manila, work in government offices and classes in public schools at all levels in the National Capital Region are hereby suspended on 24 July 2023,” nakasaad sa memorandum circular.


Gayunman, nilinaw ni Bersamin na ang mga ahensya ng gobyerno na naghahatid ng mga pangunahin at serbisyong pangkalusugan, kahandaan/tugon sa mga sakuna at kalamidad, at/o ang pagganap ng iba pang mahahalagang serbisyo ay dapat magpatuloy sa kanilang operasyon.


Nilinaw din ng Executive Secretary na nasa pagpapasya ng kani-kanilang mga head ang pagsususpinde ng trabaho para sa mga pribadong kumpanya at klase sa mga pribadong paaralan.


 
 

ni Lolet Abania | July 1, 2022



Patuloy ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) at siyam na iba pang lugar, kabilang na ang Cavite na nakapag-register ng pinakamataas, ayon sa independent monitoring group OCTA Research ngayong Biyernes.


Sa isang tweet, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang positivity rate ng Cavite ay umakyat ng 13.2% nitong Hunyo 29 mula sa 5.9% noong Hunyo 25. Habang ang positivity rate ng NCR ay tumaas ng 7.5% mula sa dating 6.0%.


Subalit, ang benchmark positive rate ng World Health Organization (WHO) ay nasa 5% lang. Ang positivity rate ay ang percentage ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19 na nakasama sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na na-test.


Sa parehong data ng OCTA, makikitang tumaas din ang kani-kanilang positivity rate ng Laguna, Batangas, Benguet, Bulacan, Cebu, Davao del Sur, Iloilo, at Pampanga. Gayunman, ang positivity rate ng Rizal ay bumaba naman mula 11.9% ay naging 9.7%.


 
 

ni Lolet Abania | June 28, 2022



Mananatili ang National Capital Region (NCR) at marami pang lugar sa bansa sa ilalim ng Alert Level 1 mula Hulyo 1 hanggang 15 sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic, ayon sa Malacañang ngayong Martes.


Sinabi ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na ang desisyon ay ginawa kasabay ng pagrebisa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ng mga matrices na gagamitin para sa Alert Level System, at sa alert level classification ng mga probinsiya, highly urbanized cities (HUCs), independent component cities (ICCs), component cities, at municipalities.


Sa bagong matrix ay aalisin na ang two-week growth rate sa pagtukoy ng case-risk classification. Sa halip, ang case-risk classification ay magbabase na sa average daily attack rates at current thresholds.


Ayon kay Andanar, ang kabuuang COVID-19 bed utilization rate ay mananatili naman gayundin, ang iba pang current thresholds bilang main metrics para sa health system capacity. Sa ilalim ng Alert Level 1, ang intrazonal at interzonal travel ay pinapayagan na anumang edad at comorbidities.


Lahat ng establisimyento, mga indibidwal, o mga aktibidad, ay pinapayagan nang mag-operate, magtrabaho, o ipatupad ng full on-site o venue/seating capacity subalit kailangang patuloy na isinasagawa ang minimum public health standards.


Nitong Lunes, ayon sa independent monitoring group OCTA Research, ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila ay umabot sa 5.9% noong Hunyo 25 mula sa dating 3.9% noong Hunyo 18. Bukod sa NCR, ang mga lugar na isasailalim sa Alert Level 1:


• Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga, at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region, Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan sa Region 1

• Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino sa Region 2

• Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, at Zambales sa Region 3

• Batangas, Cavite, Laguna, Lucena City, at Rizal sa Region 4A

• Marinduque, Oriental Mindoro, Puerto Princesa City, at Romblon sa Region 4B

• Albay, Catanduanes, Naga City, at Sorsogon sa Region 5

• Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo Province, at Iloilo City sa Region 6

• Cebu City, Lapu-Lapu City (Opon), Mandaue City, at Siquijor sa Region 7

• Biliran, Eastern Samar, Ormoc City, Southern Leyte, at Tacloban City sa Region 8

• Zamboanga City sa Region 9

• Bukidnon, Cagayan De Oro City, Camiguin, Iligan City, Misamis Occidental, at Misamis Oriental sa Region 10

• Davao City at Davao Oriental sa Region 11

• South Cotabato sa Region 12

• Butuan City, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte, at Agusan Del Sur sa Caraga at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao


Samantala, ang mga sumusunod na component cities at municipalities na isasailalim din sa Alert Level 1 sa parehong petsa: Cordillera Administrative Region


• Benguet - Buguias at Tublay

• Ifugao - Kiangan, Lagawe (Capital), at Lamut Region IV-A

• Quezon - Atimonan, Candelaria, City of Tayabas, Dolores, Lucban, Mauban, Pagbilao, Plaridel, Polillo, Quezon, Sampaloc, San Antonio, Tiaong, at Unisan Region IV-B • Occidental Mindoro - Calintaan, Looc, Lubang, at Rizal

• Palawan - Cagayancillo at Culion Region V

• Camarines Norte - Basud, Capalonga, Daet (Capital), San Vicente, at Talisay

• Camarines Sur - Bombon, Cabusao, Camaligan, Caramoan, Goa, Iriga City, Pamplona, Pili (Capital), Presentacion (Parubcan), San Fernando, San Jose, at Tigaon

• Masbate - Balud, City of Masbate (Capital), at Mandaon Region VI

• Antique - Anini-Y, San Jose (Capital), Sebaste, at Tobias Fornier (Dao)

• Negros Occidental - Cadiz City, Candoni, City of Talisay, City of Victorias, Enrique B., Magalona (Saravia), La Carlota City, Pontevedra, Pulupandan, Sagay City, San Enrique, at Valladolid Region VII

• Bohol - Batuan, Calape, Corella, Dimiao, Duero, Garcia Hernandez, Jagna, Lila, Loay, Loboc, Maribojoc, San Isidro, San Miguel, Sevilla, Sikatuna, at Tagbilaran City (Capital)

• Cebu - Alcoy, Borbon, City of Talisay, Oslob, Pilar, Santander, at Tudela

• Negros Oriental - Amlan (Ayuquitan), Bacong, Dauin, Dumaguete City (Capital), Valencia (Luzurriaga), at Zamboanguita Region VIII

• Leyte - Albuera, City of Baybay, Dulag, Javier (Bugho), La Paz, Matag-Ob, Matalom, Palo, Tunga, at Villaba

• Northern Samar - Allen, Capul, Lapinig, Lavezares, San Antonio, San Jose, at Victoria • Samar (Western Samar) - Marabut, Pagsanghan, Paranas (Wright), Tarangnan, at Zumarraga Region IX

• Zamboanga Del Norte - Dapitan City, Dipolog City (Capital), Jose Dalman (Ponot), Labason, Manukan, Piñan (New Piñan), Polanco, Rizal, at Salug

• Zamboanga Del Sur - Kumalarang, Labangan, Lapuyan, Mahayag, Molave, at Ramon Magsaysay (Liargo)

• Zamboanga Sibugay - Alicia, Buug, Diplahan, Ipil (Capital), Siay, at Tungawan Region X

• Lanao Del Norte - Bacolod, Baroy, Kauswagan, Lala, Linamon, at Tubod (Capital) Region XI

• Davao De Oro - Mawab, Montevista, Nabunturan (Capital), at New Bataan

• Davao Del Sur - Padada Region XII

• Cotabato (North Cotabato) - Antipas, Arakan, City of Kidapawan (Capital), at President Roxas

• Sultan Kudarat - City of Tacurong, Kalamansig, at Lebak Caraga

• Dinagat Islands - Cagdianao, Dinagat, Libjo (Albor), Loreto, at Tubajon

• Surigao Del Norte - Claver, Dapa, General Luna, Mainit, at Tagana-An BARMM

• Lanao Del Sur - Bumbaran, Ditsaan-Ramain, at Wao

• Maguindanao - South Upi at Upi

• Tawi-Tawi - Turtle Islands


Para sa mga lugar isasailalim sa Alert Level 2 mula Hulyo 1 hanggang 15 na mga component cities at municipalities, kung saan maaaring ilagay sa ibang Alert Level classification ay ang mga sumusunod:


• Cordillera Administrative Region - Benguet at Ifugao

• Region IV-A - Quezon Province

• Region IV-B - Occidental Mindoro at Palawan

• Region V - Camarines Norte, Camarines Sur, at Masbate

• Region VI - Antique at Negros Occidental

• Region VII - Bohol, Cebu, at Negros Oriental

• Region VIII - Leyte, Northern Samar, at Samar (Western Samar)

• Region IX - City of Isabela, Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, at Zamboanga Sibugay

• Region X - Lanao Del Norte

• Region XI - Davao De Oro, Davao Del Norte, Davao Del Sur, at Davao Occidental

• Region XII - Cotabato (North Cotabato), General Santos City (Dadiangas), Sarangani, at Sultan Kudarat

• Caraga - Dinagat Islands at Surigao Del Norte

• Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao - Basilan, Lanao Del Sur, Maguindanao, Sulu, at Tawi-Tawi


 
 
RECOMMENDED
bottom of page