ni Zel Fernandez | April 26, 2022
Sinalakay ng Bureau of Customs ang ilang mga bodega at tindahan sa Sta. Cruz, Maynila na nagbebenta ng mga hindi rehistradong gamot at pampaganda.
Katuwang ang NCR National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP), tinatayang aabot sa halagang P31.5 milyon ang mga nasabat na pekeng produkto na pawang mga ginagamit na panggamot at pampaganda.
Ito ay matapos ang isinagawang dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa mga bodega sa 1005 Ongpin St., Sta. Cruz, at Units A, B, C, at D sa 641 Fernandez St., Sta. Cruz, Maynila.
Batay sa nakalap na report, ang mga medical at cosmetic products na nasamsam ay mga brand ng Lianhua Lung Cleansing Tea, Healthy Brain Pills, Gluta Lipo, Lidan Tablets, Nin Jiom Pei Pa Koa, Vita herbs at iba pang produkto na pawang mga Chinese manufactured.