top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 2, 2024




Natagpuan sa harap ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Bacolod City ang mga putol na katawan ng tao na nakasilid sa supot.


May kalakip na mensahe ang nakitang isang kamay, paa, at isang pares na tenga na nagsasabing isa sa kanilang mga agent sa NBI ay protektor ng drug lord.


Saad ng NBI-Bacolod, maayos magtrabaho ang tinutumbok na ahente sa liham.


Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinagmulan ng mga putol na parte ng katawan at titingnan nila kung may kinalaman ito sa kanilang ikinasang operasyon laban sa iligal na sugal at online sabong sa Negros Occidental.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 1, 2023




Kinumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may halagang higit sa P1.5 milyon na pekeng mga bag, rash guard, at insecticides na may mga kilalang tatak sa mga operasyon sa buong Maynila, Pasay, at Bulacan.


Ayon sa isang pahayag, sinabi ng NBI na kinumpiska ang pekeng rash products na may mga tatak na "HOPO" at "OOP," bags na may tatak na "Hawk," at insecticides na may mga tatak na "Bao Li Lai" at "100 Hundred."


Sa kanilang pahayag, hindi binanggit ng NBI kung may mga indibidwal na naaresto sa panahon ng raid o paano nito natiyak ang orihinalidad ng mga kinumpiskang produkto na may mga tatak na tila kilala.


Isinagawa ang unang operasyon noong Nobyembre 21 na nagresulta sa pagsamsam ng mga pekeng bag na may halagang P853,140 mula sa dalawang storage facilities sa Brgy. Talampas sa Bustos, Bulacan.


Naganap ang ikalawang operasyon sa Pasay City kung saan kinumpiska ang mga pekeng rash guards na may mga tatak na "HOPO" at "OOP" na may halagang P200,000, ayon din sa pahayag.


Kinumpiska naman ang mga pekeng insecticides na may halagang P450,000 mula sa dalawang warehouse sa Tondo, Maynila, dagdag pa nito.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 19, 2023




Huli ang limang pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na Philippine offshore gaming operator (POGO) sa operasyon ng National Bureau of Investigation ngayong Linggo, Nobyembre 19.


Kasama sa mga nahuli ang isang menor de edad na umano'y sangkot at pinabibitbit ng baril ng mga operator para hindi mahuli ng mga awtoridad.


Sinasabing bumibili ang mga suspek ng iba't ibang website para magamit sa kanilang panloloko.


Inamin ng mga suspek ang ilang ginawang transaksyon ngunit mariing itinanggi ang baril na nahuling bitbit ng 15-anyos na anak ng isa sa mga suspek.


Kinumpirma naman ng NBI sa kanilang ulat na nagpapatakbo ang mga suspek ng ilegal na POGO at ipinadala ang baril sa menor de edad para makalusot sa mga pulis


Ikinulong ang limang suspek at ang bata ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page