ni Anthony E. Servinio / MC @Sports | May 25, 2023
Nagawa pang buhayin ng Boston Celtics ang kanilang kontensiyon sa Eastern Conference finals nang magwagi sa 116-99 laban sa Miami Heat kahapon upang maampat ang series deficit sa 3-1.
Sumigla ang dugo ni Jayson Tatum sa Celtics sa bisa ng nagawa niyang 33 points, 11 rebounds at assists, habang ang ibang 5 players ay nagtala ng dobleng pigura sa tikas ni Joe Mazzulla.
Matapos ang 128-102 win ng Miami Heat noong Linggo, nahaharap na sana ang Celtics sa posibilidad na matigbak na rin sa 4-0 pero dahil nanaig sila kahapon ay pag-iibayuhin pa nila ang susunod na pressure sa Miami sa pagbabalik nila sa Boston.
At dahil wala pang team sa NBA history ang nagawang makabalikwas sa 3-0 na pagkaiwan at ipanalo ang best-of-seven playoff series, nagpatuloy ang Boston sa kanilang tiwala na kaya nilang makabangon at abutin ang Finals habang nakaabang na ang Denver Nuggets.
Samantala, nagbabalak-balak na rin si LeBron James na magretiro sa pagba-basketball matapos na mawalis ang matigpas ang Los Angeles Lakers sa NBA playoffs ng matikas na Denver Nuggets noong Martes.
Iniuliat ng ESPN na nag-iisip-isip na ang 38-anyos na si LBJ na lisanin na ang sport na sinarhan na ng pintuan matapos ang 20th season niya sa liga.
Sa isang hiwalay na tweet ni Chris Haynes, ang reporter ng TNT broadcaster na "under consideration" na aniya ang pagreretiro ni James.
Pero nauna rito, nagpahayag na rin si Carmelo Anthony, isa sa premier scorers sa kasaysayan ng NBA at three-time Olympic gold medalist ng opisyal na pagreretiro sa basketball.
Naging emosyonal ang anunsiyo na ito ni Anthony sa kanyang social media accounts, at aniya, "the time has come for me to say goodbye" sa laro matapos ang 19 seasons sa NBA.
"I'm excited about what the future holds for me," dagdag ng 38-anyos na si Anthony, na siyang third overall pick sa pamosong 2003 NBA Rookie Draft ng Denver Nuggets.