ni Thea Janica Teh | October 28, 2020
Inanunsiyo ng Bureau of Customs (BOC) ngayong Martes na ipamamahagi nito sa Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga nasabat na electronic devices at learning materials upang makatulong sa mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemya.
Nagsagawa ang tauhan ng BOC ng imbentaryo ng lahat ng electronic devices na nasabat dahil sa kawalan ng permit at inabandona na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ilan sa mga ito ay laptops, flash drives, hard drives, mobile phones, LED computer monitors, printers, routers, pocket WiFi, computer tablets, educational books, mga bag at sapatos.
Kumuha ng clearance ang BOC sa National Telecommunications Commission at Optical Media Board upang masiguro kung pasado sa minimum standard at ligtas gamitin ang mga gadgets.
Makatutulong umano ang mga gadgets na nasabat sa mga estudyanteng sumasailalim ngayon sa distance learning dahil sa COVID-19 pandemic.