top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 22, 2021



Dumating na sa bansa ang karagdagang 1.5 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ngayong Huwebes nang umaga.


Bandang alas-7:48 AM lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang Flight 5J 671 ng Cebu Pacific na lulan ang mga naturang bakuna.


Sina Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. ang sumalubong sa pagdating ng Sinovac vaccines.


Samantala, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, inaasahang makatatanggap pa ang Pilipinas ng karagdagang 1 million doses ng Sinovac vaccines sa Biyernes.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 9, 2021



Dumating na kagabi sa Villamor Air Base ang 1,124,100 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines mula sa Japan.


Si Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang Japanese embassy officials, National Task Force (NTF) Against COVID-19, at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) executives ang sumalubong sa pagdating ng mga bakuna.


Pinasalamatan ni P-Duterte ang Japan at aniya, “Japan continues to be our strong partner in various development programs, our cooperation in fighting the pandemic is truly an indication of the deep friendship between our two countries.


“Let me assure everyone that throughout our vaccination rollout, we will prioritize the safety and quality of all vaccines that we are distributing across the country.”


Nanawagan din ang pangulo sa publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 at patuloy na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols.


Saad ng pangulo, “I, therefore, urge everyone to get vaccinated and help prevent the further spread of the virus. We should all continue to follow safety rules and health protocols even when fully vaccinated.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 28, 2021



Dumating na sa bansa ang 249,600 doses ng Moderna COVID-19 vaccine noong Linggo nang gabi.


Dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang initial delivery ng Moderna vaccines mula sa United States bandang alas-11 ng gabi.


Sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., Health Undersecretary Carol Tanio, US Embassy Economic Counselor David Gamble, Jr., International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) Executive Vice-President Christian Martin Gonzalez at ilang opisyal ng Zuellig Pharma ang sumalubong sa pagdating ng Moderna vaccines.


Ayon sa National Task Force (NTF), sa 249,600 doses, 150,000 doses ang binili ng pamahalaan at ang 99,600 doses naman ay binili ng ICTSI.


Samantala, inaasahan namang makatatanggap pa ang bansa ng 20 million doses ng Moderna COVID-19 vaccine ngayong taon, ayon sa NTF.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page