top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 15, 2022



Dumating na sa bansa nitong Lunes ang 868,140 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.


Ang mga naturang bakuna ay binili ng Pilipinas sa pamamagitan ng World Bank, ayon sa National Task Force Against COVID-19.


Ito ay para sa mga menor de edad na 12-anyos pataas.


Ang mga naturang bakuna ay sakay ng DHL Express Flight LD456 na dumating bandang 9 p.m.


Nito ring buwan na ito ay natanggap ng Pilipinas ang mga Pfizer COVID-19 vaccine doses para sa mga bata:


• March 4: 804,000 doses for children aged 5-11 years old;

• March 9: 1,056,000 doses of reformulated Pfizer COVID-19 vaccine for the pediatric age group and 128,700 doses for adults;

• March 10: 1,056,000 doses for children;

• March 11: 1,080,000 doses for children aged 5-11 years old; and

• March 12: 1,032,000 doses for children aged 5-11 years old.


Ang pilot rollout ng COVID-19 vaccination sa mga batang edad 5 to 11 years old sa bansa ay sinimulan sa National Capital Region noong February 7.

 
 

ni Lolet Abania | March 4, 2022



Nagsumite ng rekomendasyon ang Vaccine Expert Panel (VEP) hinggil sa pagbibigay ng 4th COVID-19 dose o 2nd booster shot para sa mga senior citizens at immunocompromised na mga indibidwal, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19.


Sinabi ni NTF medical adviser Dr. Ted Herbosa, ang rekomendasyon ay isinumite sa mga health experts at technical advisory group, habang naghihintay sila ng approval ng Inter-Agency Task Force (IATF).


“As of now mayroong recommendation ‘yung ating VEP para sa pagbigay ng 4th dose o 2nd booster dose para sa mga senior at immunocompromised. Ito ngayon ay pinasa na sa ating technical advisory group,” pahayag ni Herbosa sa Laging Handa briefing ngayong Biyernes.


“Hintayin na lang natin kung maaprubahan ito ng ating IATF para ma-implement na sa susunod na panahon,” saad pa niya.


Una nang sinabi ng VEP na dahil ang mga immunocompromised ay nakatanggap na ng tatlong primary series ng COVID-19 vaccine, ang kanilang fourth dose ay magsisilbi bilang kanilang booster shot.


Ang Department of Health (DOH) ay nag-a-administer na ng third dose sa mga senior citizens at immunocompromised, habang booster shots naman ang ibinibigay sa mga nakakumpleto na ng tatlo hanggang anim na buwang requirement matapos na makatanggap ng kanilang second dose.


Ayon pa kay Herbosa, nasa 10.5 milyon lamang mula sa tinatayang 63.4 milyon na fully vaccinated individuals ang nakatanggap ng kanilang third dose.


Target naman ng DOH na magsagawa ng fourth wave ng “Bayanihan, Bakunahan” national vaccination drive para sa mga senior citizens sa ikalawang linggo ng Marso.

 
 

ni Lolet Abania | February 17, 2022



Mananatiling mandatory ang pagsusuot ng face mask hangga’t hindi pa natatapos ang COVID-19 pandemic, ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. ngayong Huwebes.


Sa isang interview, sinabi ni Galvez na siyang ring vaccine czar ng bansa, wala pa silang tinatalakay hinggil sa pagbawi ng face mask policy na aniya, maaaring ito ang huling polisiya na kanilang aalisin.


“Sa ngayon wala pa po kaming discussion sa ating pagtatanggal ng face mask, wala pa pong dini-discuss na ganoon. At ang sinasabi ko nga po sa ibang kasamahan natin sa media, talagang ang last na tatanggalin natin siguro ‘yung mask kasi ‘yun ‘yung pinaka-last defense natin,” paliwanag ni Galvez.


“So ang rekomendasyon po namin talaga is hanggang hindi pa natatapos talaga ang pandemya at saka hindi po natin masasabing secured or totally eliminated na ang COVID-19 ay hindi po natin matatanggal ‘yung face mask,” dagdag ng opisyal.


Una nang sinabi ni Galvez na ang ipinatutupad na mandatory na paggamit ng face mask ay posible aniya, “most likely be dropped by the fourth quarter of the year,” habang binanggit din niya sa interview na mangyayari lamang ito kung ang pandemya ay magiging “very manageable” na sa panahong iyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page