ni Lolet Abania | July 5, 2022
Muling binuksan sa publiko ang National Museum of the Philippines (NMP) ngayong Martes matapos ang pansamantalang pagsasara nito para sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Hunyo 30.
Mula Hunyo 6 hanggang Hulyo July 4, ang National Museum of Fine Arts sa Old Legislative Building, Padre Burgos Drive sa Manila ay isinara dahil sa ginanap na oath-taking ni Pangulong Marcos.
“The NMP Complex in Manila reopens today, July 5, 2022, after temporarily closing to the public for the inauguration of President Ferdinand Romualdez Marcos, Jr.,” batay sa pahayag ng pamunuan ng museum sa Twitter.
“Visit us from 9:00 am to 6:00 pm. No need for reservations, ADMISSION IS FREE!,” dagdag pa nila.
Ayon sa NMP, ang lugar ay pansamantalang isinara sa publiko upang magbigay-daan sa espesyal na paghahanda at arrangements na pangungunahan ng inauguration committee.
Bukod sa National Museum of Fine Arts, ang NMP Complex ay mayroon ding National Museum of Anthropology at ang National Museum of Natural History.