top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 3, 2024




Inihirit ng White House sa NASA nu'ng Martes na bumuo ng isang ‘time standard’ o pamantayang panahon para sa buwan at iba pang parte ng kalawakan.


Ito ay kasabay ng pagsisikap ng United States na gumawa ng mga pandaigdigang pamantayang pangkalawakan sa gitna ng lumalawak na lunar race sa mga bansa at pribadong kumpanya.


Inutusan ng pinuno ng White House Office of Science and Technology Policy (OSTP) ang space agency na makipag-ugnayan sa ibang sangay ng gobyerno ng U.S. at bumuo ng plano bago matapos ang taong 2026 para sa pagtatakda ng tinatawag na ‘Coordinated Luner Time,’ ayon sa memo na nakita ng Reuters.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 19, 2023




Pipirma ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng kasunduan kasama ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) para sa mga proyektong kaugnay sa kalidad ng hangin, ayon kay Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga nu'ng Lunes, Disyembre 18.


Isa sa tatlong kasunduan na isinapubliko ng ahensiya ang bagong development, kabilang dito ang pagsisikap sa kapasidad na bumuo ng mga bagong proyekto kasama ang US Environmental Protection Agency (US EPA) at Ministry of Environment ng Japan.


Saad ni Yulo-Loyzaga, "We are happy to announce it’s almost signing ready, that is an agreement with NASA—we’ve been hard at work at this agreement and this has to do with air quality in the region. Air quality, as you know, is related to climate, and so we are trying to cover as much as possible both land, water and air in terms of building the capacity in the DENR."


Dagdag niya, "With these two, we hope to actually be able to step up in terms of getting our EMB and the related bureaus to actually be able to access new knowledge, new technology, new expertise and probably, this would be very helpful as far, as we’re concerned in terms of looking at legislation and seeing whether these actually need to be updated."


Pumirma ang DENR ng kasunduan sa US EPA at isang memorandum of cooperation sa Ministry of Environment sa Japan, na may layuning palakasin ang operasyon ng environmental management bureau ng bansa.


Kasalukuyang wala pang karagdagang detalye mula kay Yulo-Loyzaga hinggil sa mga partikular na programa kaugnay ang mga nabanggit na kasunduan.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 19, 2021





Matapos ang 203 araw at 293 million milya, matagumpay na nakalapag sa planetang Mars kahapon, Pebrero 18, 3:55 pm ang spacecraft ng Perseverance Rover ng NASA mula sa Los Angeles, California, na layuning maghanap ng fossilized bacteria at microbes bilang patunay kung nagkaroon ng buhay na nilalang doon.


Nagsimula ang misyon sa Mars noong Hulyo 30, 2020 na tumagal sa mahigit pitong buwan.


Minsan na ring tinangka ng NASA at ibang bansa na makarating sa Mars subalit marami ang nabigo. May dalawang nagtagumpay ngunit sa ibang bahagi ng planeta naman napunta.


Ayon kay acting NASA Administrator Steve Jurczyk, “The Mars 2020 Perseverance mission embodies our nation’s spirit of persevering even in the most challenging of situations, inspiring, and advancing science and exploration. The mission itself personifies the human ideal of persevering toward the future and will help us prepare for human exploration of the Red Planet.”


Gamit ang higanteng parachute, pinabagal nito ang pag-landing ng spacecraft sa planeta saka dahan-dahang ibinaba ang rover sa loob ng pitong minuto. Ang rover ay mayroong haba na 3-metro at may anim na gulong, na paiikutin sa Jezero Crater ng Mars. Taglay nito ang scientific instruments na susuri sa mga bato at lupa sa planeta. Susubukan ding paliparin sa himpapawid ang isang mini-helicopter na tinatawag na Ingenuity.


Sa mga susunod na buwan, inaasahan din ang paglapag ng spacecraft ng China sa Mars.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page