top of page
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Oct. 31, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Ang Undas ay isa sa mga pinakamahalagang obserbasyon para sa mga Pilipino.

Pagkakataon kasi ito para sa mga pamilya na makapagsama-sama sa paggunita sa alaala ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.


Umaasa tayo na nakapaghanda ang pambansa at mga lokal na pamahalaan upang masigurong maayos at payapa ang paggunita natin ng Undas.


Nananawagan din tayo sa ating mga kababayan na magdoble-ingat.

Patuloy nating isagawa ang mga health and safety protocols upang makaiwas sa disgrasya at sakit.


☻☻☻


Inanunsyo ng Commission on Elections kamakailan lang na sa kauna-unahang pagkakataon, magiging automated ang pagsagawa ng local absentee voting.


Ang mga maaaring mag-apply para sa LAV ay mga guro, miyembro ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines, at mga media workers na naka-duty sa araw ng halalan.


Sa ilalim ng LAV, maaaring bumoto ng president, vice president, senators, at partylist representatives sa lugar na hindi sila rehistrado ngunit kung saan sila naka-assign para sa kanilang trabaho.


Hindi pa naaanunsyo ng Comelec kung kailan at saan isasagawa ang LAV. 


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Oct. 27, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Ayonsa Department of Agriculture (DA) P80.80 milyong halaga ng pinsala ang natamo ng agri-sector dahil sa epekto ng Bagyong Kristine.


Inaasahan ng ahensya na mas lalaki pa ang naitalang pinsala ng bagyo kapag naisama na ang epekto sa iba pang agri commodities sa bansa.


Tiniyak naman ng DA na may nakahandang tulong na nakalaan para sa mga magsasakang nasalanta ng bagyo.


Dagdag pa ng DA, nasa P80.21 milyong halaga ng agricultural inputs ang nakahanda mula sa regional offices nito sa Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol, at Eastern Visayas.


Kaugnay nito, may P25,000 loan rin na maaaring mahiram ang mga napinsalang magsasaka sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

☻☻☻


Tuluy-tuloy naman ang UNA Ang Makati sa paghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa iba’t ibang mga barangay sa lungsod ng Makati.


Siniguro rin natin na lahat ng nasa evacuation centers ay nabigyan ng mainit na pagkain at mga relief packs.


Maraming salamat sa ating mga kaibigan at volunteers na tumulong sa atin na magpaabot ng tulong sa mga nasalanta.


Nariyan ang ating Bangkal TROPA na sina Kag. Mark Hildawa, Kag. Chan Jacinto, Kag. Tricia Eusebio, at Kag. Mario Montanez ng Brgy. Bangkal at Kag. Jebong Alegre ng Brgy. San Antonio na sinigurong makakarating ng maayos ang tulong sa ating mga kababayan.


Patuloy tayong mag-ingat at magtulungan para sa mga kababayan nating naapektuhan ng Bagyong Kristine.

☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Oct. 25, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Ang buwan ng Oktubre ay kinikilala bilang Local Government Month.

Muling nabibigyang-diin ang importansya ng ating mga lokal na pamahalaan ngayong kasalukuyang sinasalanta ng Bagyong Kristine ang iba’t ibang bahagi ng bansa, partikular na ang Bicol Region.


Ang mga komunidad ang pinakaapektado sa tuwing may dumarating na unos.

Kaya’t mahalagang masiguro na may sapat na kakayahan ang ating mga local government units o LGUs na humarap sa mga sakuna. 


☻☻☻


Sa nagdaang Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) na ginanap noong nakaraang linggo, binanggit ang pangangailangan ng paglalaan ng pondo ng pamahalaan para sa disaster risk reduction at prevention.


Malaking bahagi rito ang pagbuhos ng suporta sa mga LGU upang maging handa sila sa mga sakuna gaya ng bagyo at tagtuyot, lalo pa sa harap ng climate change na nagpapaigting ng epekto ng mga ito.


Ang Pilipinas ang tinataguriang “most disaster-prone country” sa ika-16 diretsong taon, ayon sa World Risk Index.


Kailangan nating kilalanin ang panganib na hinaharap natin at sa lalong madaling panahon ay gumawa ng mga hakbang upang hindi laging nauuwi sa krisis ang pagdating ng sakuna. 


☻☻☻


Nananawagan tayo sa pambansang pamahalaan na madaliin ang pagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.


Sa mga kababayan nating may kakayahang tumulong, huwag din sana tayong mangimi na ibigay ang makakaya para kahit paano ay maibsan ang bigat na dala ng mga apektado ng bagyo.


Kung sama-sama tayo ay malalagpasan natin ang panibagong hamong ito.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page