ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 17, 2022
Pang-11 linggo na ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.
Pumalo sa double-digits ang oil price hike ngayong linggo.
Itinaas ng Caltex, Cleanfuel, Petron, Total, at Unioil nang P13.15 per liter ang presyo ng diesel, samantalang umabot naman sa P7.10/liter ang gasoline. Itinaas naman ng Caltex at Petron ang presyo ng kerosene nang P10.50/liter.
☻☻☻
Sa harap ng patuloy na pagtaas na ito, na tiyak pang lalala dahil sa digmaan sa Ukraine, kailangang konsiderahin ng pamahalaan ang pagpapalaganap ng mga alternative transport system.
Ayon sa Department of Science and Technology, may mga readily-available technologies na na-develop na ng ahensiya na makatutulong na maibsan ang epekto ng fuel crisis sa ating mga kababayan.
May mga electric vehicles (e-trike, e-scooter, e-jeepney) nang nagawa at ginagawa sa bansa.
Nariyan rin umano ang Hybrid Electric Train at Hybrid Electric Road Train na DOST-developed din.
Plano rin na ilunsad ng ahensiya sa June ang Hybrid Trimaran. Ito ang unang ocean-wave powered boat sa buong mundo.
Kayang bumuhat ng trimaran ng 100 pasahero, apat na van, at hanggang 15 motorsiklo.
☻☻☻
Mainam na short-term at long-term solution ang mga alternative transport system.
Nananawagan tayo sa pamahalaan na gamitin ang mga available na teknolohiya na ito para sa kapakanan ng riding public.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay