top of page
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Dec. 1, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang World AIDS Day. Napapanahon ang selebrasyong ito dahil sa nakakabahalang pagtaas ng kaso ng AIDS sa bansa.


Ayon sa datos ng Department of Health mahigit 3,000 bagong kaso ng AIDS ang naitala as of March ngayong taon.


Bukod dito, 82 ang naitalang namatay sa parehong time frame.


One third sa mga bagong kaso ay 15 hanggang 24 taong gulang.


Samantala, 46 percent naman ng mga bagong kaso ay mula sa edad 25 hanggang 34.


☻☻☻


Kailangan nating palawigin ang kaalaman tungkol sa AIDS.


Ayon sa World Health Organization, naipapasa lamang ang HIV sa pamamagitan ng pagpapalitan ng body fluids mula sa taong may HIV.


Mahalagang madagdagan ang kaalaman natin tungkol sa sakit na ito para maiwasan ang stigma at ang pagkalat nito.


Tandaan natin na ang HIV ay isang preventable disease.


Maaaring maagapan o bumaba ang risk na magkaroon at makahawa ng sakit na ito kung magiging mapagmatyag at maingat ang lahat.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Nov. 28, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Nitong nakaraang Martes, pinarangalan ng Senado si Presidential Legal Counsel at former Senate President Juan Ponce Enrile.


Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 1223, kinilala ang mga kontribusyon ni Manong Johnny sa paglilingkod-bayan sa loob ng 60 taon.


Ilan sa mga naging posisyon ni Manong Johnny sa mahaba niyang paglilingkod sa pamahalaan ay Senate president, Senate minority leader, representative, Finance secretary, Justice secretary, Defense minister, at presidential legal adviser.

Sa lahat ng trabahong ito, ipinamalas niya ang kanyang natatanging galing at husay.


☻☻☻


Sa aking talumpati para sa SRN 1223, ikinuwento ko na hindi ipinagdamot ni Manong Johnny ang kanyang oras at kaalaman upang matulungan ang mga kasama niya sa trabaho para mapabuti rin ang paglilingkod nila.


Bukod sa pareho kaming nagmumula sa Cagayan Valley, nagsilbi ring mentor si JPE mula pa lamang noong makasama ko siya sa kampanya nang una akong sumabak sa pulitika taong 2013, at noong re-election campaign ko ng 2019.


Sa tulong ni Manong Johnny, mas naintindihan ko ang mga tradisyon at pananari-nari sa Senado. Nagsilbi rin siyang pangalawang ama at sandigan noong panahong tinutuligsa ang aming pamilya.


☻☻☻


Tanging panahon lamang ang makatutukoy ng pitak ni Manong Johnny sa kasaysayan.

Ngunit marami ang makapagpapatunay na sinubukan niya at nagpursigi siya upang maitaguyod ang kapakanan ng ating bayan at mga kababayan.


☻☻☻


Manong Johnny, maraming salamat sa patuloy na paglilingkod-bayan. Mabuhay ka!


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Nov. 24, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Matapos ang ilang linggo, natapos na rin ang Senate deliberations para sa panukalang budget ng ating bansa para sa taong 2025.


Ilang araw din tayong nagpuyat para busisiin at suriing maigi ang panukalang budget ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.


Ilan sa mga mahalagang bagay na natalakay ay ang matinding pangangailangan para palawigin pa ang mga programa sa sektor ng kalusugan, imprastraktura, at pabahay.


☻☻☻


At dahil tapos na nga ang debate sa Senado, susunod na gagawin ang bicameral conference committee kasama ang House of Representatives.


Dito, pag-uusapan maigi at pilit pagtutugmain ang mga bersyon ng budget ng Senado at Kamara.


Mahalagang hakbang ito dahil may mga tinanggal ang Senado sa ipinasang batas ng Kamara.


Dito natin makikita kung papaano ipagtatanggol ng Senado at Kamara ang kanilang mga posisyon at kung ano nga ba talaga ang para sa ikabubuti ng ating bansa.


☻☻☻


On a personal note, may halong konting lungkot ang ating saya nang maipasa na ang 2025 budget nitong nakaraang linggo.


Ito na kasi ang huling budget deliberations ng inyong lingkod dahil graduate na tayo sa Senado sa 2025.


Kaya naman nais kong ipaabot ang aking pasasalamat sa aking mga seatmate sa Senado sa walang sawang inaalay ang kanilang oras at talento para sa bayan.


Makakaasa kayo na hanggang sa huling sandali ay tututukan natin ang budget ng bayan para masiguro na ang bawat piso ay gagamitin sa pagpapaunlad ng ating bansa at pagpapaganda ng buhay ng ating mga kababayan.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page