top of page
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Dec. 12, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Nitong nakaraang Lunes, nilagdaan na ni Pres. Ferdinand Marcos, Jr. ang iba’t ibang batas, kabilang ang VAT Refund for Non-Resident Tourists, at Basic Mental Health and Well-Being Promotion Act.


Sa ilalim ng VAT Refund for Non-Resident Tourists Act, papayagan ang mga turista na mag-claim ng refund sa mga biniling produkto na nagkakahalaga ng P3,000 pataas mula sa mga accredited sellers.


Ayon sa Pangulo, nasa 30 percent ang inaasahang pagtaas sa tourist spending dahil sa batas na ito, at makikinabang hindi lang ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs).


Maraming bansa ang gumagawa ng VAT refund upang hikayatin ang mga turista na bumili ng iba’t ibang produkto.


Hindi naman sikreto na haligi ng ekonomiya ang consumer spending, kaya’t may positibong epekto kung mas maraming turista ang mahihikayat nating mamili.


☻☻☻


Samantala, ang Basic Mental Health and Well-Being Promotion Act naman ay naglalayong i-promote ang mental health awareness at magkaroon ng comprehensive health programs sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan. 


Sa ilalim ng batas na ito, magtatatag ng mga Care Centers sa bawat public basic education school sa bansa na pamumunuan ng school counselor at mga school counselor associates.


Magbibigay ang mga ito ng counseling at stress management workshops at magpapatupad ng mga programang nilalayon na tanggalin ang stigma sa mental health.

Umaasa tayo na makatutulong ang batas na ito upang mapangalagaan ang mental health ng mga guro at estudyante.

☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Dec. 8, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Nitong nakaraang linggo ay hinain sa Senado ang resolusyon para sa ratipikasyon ng bagong lagdang Reciprocal Access Agreement (RAA) na magpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.


Layon ng resolusyon na ito na gawing ganap na kasunduang militar ang RAA sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Japan.


Ang kasunduan ay nag-ugat sa naging pag-uusap sa PH-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting sa unang bahagi ng taon.


Sa pagpupulong na ito, nagpapakita ang dalawang bansa ng pagnanais na mapalalim ang kooperasyon sa depensa at seguridad sa rehiyon.


Ang RAA ay maituturing na katumbas ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.


Nakasaad dito na ang mga pagsasanay militar ay pinapayagan sa ngalan ng interoperability, humanitarian mission at civic action.


Ayon din sa RAA, maaaring makapasok sa teritoryo ng magkabilang panig ang mga sundalong Pinoy at Hapones para makapagsanay.


☻☻☻


Suportado ng inyong lingkod ang kasunduang ito.


Magandang magkaroon tayo ng kasunduan tulad nito para mapagtibay ang ating sandatahang lakas.


Sa tulong ng kasunduan na ito, magkakaroon tayo ng mga pagsasanay na lilinang sa kakayahan ng ating mga sundalo.


Kailangang lagi tayong handa habang patuloy na ginigipit ang ating karapatan sa West Philippine Sea.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Dec. 5, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Pumanaw na ang una at tanging Muslim Filipina senator ng bansa.

Inanunsyo ng kanyang pamilya na noong Nov. 28, sumakabilang-buhay na si former Senator Santanina Tillah Rasul sa edad na 94.


Nagsilbi si dating Sen. Rasul mula 1987 hanggang 1995, at nagsulong siya ng mga batas na nagbigay-daan upang mas malayang makilahok ang mga kababaihan sa pagbuo ng bansa.


☻☻☻


Isa sa mga mahahalagang batas na naipasa dahil sa pagsisikap ni ex-Sen. Rasul ay ang Republic Act No. 7192 o ang Women in Development and Nation-Building Act na nagpahintulot sa mga kababaihan na pumasok sa Philippine Military Academy at sumabak sa mga combat roles.


Naging sponsor din siya ng batas na nagdeklara ng March 8 bilang National Women’s Day.


Malaki rin ang naging papel ni ex-Sen. Rasul bilang miyembro ng government peace panel sa matagumpay na peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front.


☻☻☻


Sa panahon na nagkaroon tayo ng unang babaeng pangulo, nagsumikap si former Sen. Rasul, kasama si Sen. Leticia Ramos-Shahani, upang manatiling bukas ang pinto at mas marami pang kababaihan ang makapag-ambag at maglingkod sa bayan.


Patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa aming mga babaeng senador ang halimbawa ni yumaong Sen. Rasul. Umaasa kaming mas marami pang kababaihan ang mapukaw ang damdamin sa kuwento ng kanyang buhay.


Maraming salamat sa buong buhay na paglilingkod, Senator Santanina Tillah Rasul.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page