ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 6, 2023
Nagulantang ang lahat nang ma-“expose” na may mga stock footage ng ibang bansa ang promotional video ng Department of Tourism para sa “Love the Philippines” campaign.
Nakalulungkot na sa unang tapak pa lang, imbes na umarangkada ay umatras pa tayo.
☻☻☻
Nababahala tayo sa kapabayaan na nangyari, lalo pa’t hindi ito ang first time na napuna ang DOT at ibang ahensya dahil sa mga “creative lapses”.
Tila masamang pangitain ito dahil mukhang ‘di pa rin tayo natututo sa mga nakaraang nangyari dala ng hindi original logo, slogan, design o video clip.
Ang mangyayari nito, may bahid na ng pagdududa ang mga susunod na promotional material na magmumula sa DOT.
☻☻☻
Umaasa tayong may mananagot dahil sa malaking pagkakamaling ito.
Huwag din sanang balewalain bilang isang “oversight” lamang ang nangyari.
Milyun-milyong pera ng taumbayan ang nakasalalay dito — pera ito na maaari rin sanang gamitin para sa programang may direktang pakinabang sa kanila.
Kung kaya, kailangang patunayan ng DOT na hindi pag-aaksaya ng pondo ang ginagawa nila sa rebranding na ito.
Kailangang mas galingan pa natin ang pagkilos natin.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay