top of page
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Dec. 29, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Tradisyon na ng mga Pilipino ang pag-iingay para salubungin ang Bagong Taon.

Kasabay nito ay nananawagan ang inyong lingkod na mag-ingat ang lahat lalo na sa paggamit ng paputok.


Ayon sa Department of Health (DOH), umabot na sa kabuuang 101 ang fireworks-related injuries (FWRI) na naitala sa bansa mula noong Disyembre 22 hanggang Disyembre 27, 2024.


Masama pa nito, 82 sa mga biktima ay 19-taong gulang pababa habang ang 19 ay 20-anyos pataas.


Madalas na mga bata ang biktima ng mga ilegal na paputok, lalo ng Piccolo, dahil sa madaling itago at ibenta ito.


Kaya naman dapat bantayang maigi ang pagpasok at paggamit nito sa merkado.


Nananawagan tayo sa Philippine National Police (PNP) at local government units  (LGUs) na palakasin pa ang monitoring at pagkukumpiska ng mga ilegal na paputok na ibinebenta sa merkado.


Sa kasalukuyan, nagkalat pa rin ang mga ipinagbabawal na paputok gaya ng Five Star, Piccolo at Plapla.


Paigtingin pa natin ang programang Oplan Iwas Paputok para maprotektahan ang mga kabataan sa firecracker-related injuries.

Isang masaya at ligtas na Bagong Taon sa lahat!


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Dec. 22, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Dagsa na ang mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya ngayong Kapaskuhan.


Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mahigit 32,000 pasahero na ang naitala nilang bilang sa mga pantalan noong Biyernes.


Sa kabuuang bilang, mahigit 20,000 ang outbound passengers habang mahigit 12,000 naman ang inbound.


Ininspeksyon din ng nasa 2,747 deployed frontline personnel mula sa 16 na PCG districts ang 172 barko at 73 motorbancas na maglalayag.


Samantala, mula Lunes hanggang Huwebes, umabot na sa halos 700,000 ang mga pasaherong dumaan sa PITX.


Bukod dito, inaasahan na kabuuang tatlong milyon na pasahero mula Disyembre 20, 2024 hanggang Enero 6, 2025.


Pinapayuhan naman ang mga pasahero na iwasan ang pagdadala ng matutulis na bagay at flammable objects tulad ng baril at paputok.


Ibayong pag-iingat sa lahat ng uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.


☻☻☻


Malaking tulong naman ang ginawang libreng sakay sa MRT-3, LRT Lines 1 at 2 noong Biyernes.


Nakabawas kasi ito sa gastusin ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan.


Bukod dito inanunsyo rin ng pamunuan ng MRT at LRT na magkakaroon sila ng extended hours mula December 16 hanggang 23.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Dec. 15, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Dumalo tayo sa paglagda ni Pres. Bongbong Marcos sa VAT Refund for Non-Resident Tourists sa Malacañang noong nakaraang linggo.


Sa ilalim ng VAT Refund for Non-Resident Tourists Act, papayagan ang mga turista na mag-claim ng refunds sa mga biniling lokal products na nagkakahalaga ng P3,000 pataas mula sa mga accredited sellers.


Inaasahan na sa tulong ng batas na ito, mas mahihikayat natin ang mga turista na bumili at tangkilikin ang mga produktong Pinoy.


Bukod dito, nilagdaan din ng Pangulo ang Basic Mental Health and Well-Being Promotion Act na naglalayong i-promote ang mental health awareness at magkaroon ng comprehensive health programs sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.


☻☻☻


Congratulations sa lahat ng mga bagong abogado lalung-lalo na sa mga iskolar ng UMak School of Law na nakapasa sa Bar examinations.


Itinaguyod ng aking ama na si former Vice President Jojo Binay, ang University of Makati School of Law para masiguro na hindi hadlang ang pagiging kapos sa buhay sa pag-aaral ng abogasya.


Patunay kayo na walang imposible sa taong may tiyaga at pagpupursigi.


☻☻☻


Congratulations din sa aming napakasipag na seatmate at ngayon nga ay book author na si Sen. Migz Zubiri.


Noong nakaraang linggo din kasi ay ang launching ng kanyang librong “The Road to Peace: Crafting the Bangsamoro Organic Law”.


Masaya kami na naging bahagi kami ng isa sa proudest achievement mo bilang mambabatas -- ang pagsasabatas ng Bangsamoro Organic Law.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page