ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 20, 2023
Tuwing buwan ng Agosto ipinagdiriwang natin ang National Breastfeeding Awareness Month.
Sa buwan na ito, ating hina-highlight ang maraming benepisyong makukuha hindi lamang ng mga sanggol kundi pati na rin ang nanay sa pagpapasuso.
Ayon sa Department of Health, malaki ang impact ng maaga at exclusive na breastfeeding para masigurong magiging malusog at iwas-sakit ang mga sanggol.
Pero bukod sa mga sanggol, malaki rin ang benepisyo ng breastfeeding sa mga nanay.
Ayon sa mga pag-aaral nakakatulong ang pagpapasuso sa pagprotekta laban sa breast at ovarian cancer, depression, diabetes, at hypertension.
☻☻☻
Sa ating pagdiriwang ng National Breastfeeding Awareness Month, mahalaga ring bigyang pansin ang First 1,000 Days Law (Republic Act 11148).
Co-author ng batas na ito ang inyong lingkod at layon natin na magbigay suporta ang pamahalaan sa nanay at baby mula conception hanggang sa umabot ng dalawang taong gulang ang sanggol.
Sa batas na ito nakamandato ang exclusive breastfeeding mula sa unang oras ng pagkapanganak hanggang anim na buwan ng sanggol. Nakasaad din dito ang patuloy na pagpapasuso hanggang umabot sa dalawang taong gulang si baby.
Hindi makakaila na malaki ang papel na ginagampanan ng breastfeeding para masiguro na maayos ang paglaki ni baby.
Kaya nananawagan tayo sa Department of Health, local government units, at iba pang ahensya ng pamahalaan na patuloy na ipatupad ang mga nakasaad sa First 1,000 Days Law.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay