ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Oct. 27, 2024
Ayonsa Department of Agriculture (DA) P80.80 milyong halaga ng pinsala ang natamo ng agri-sector dahil sa epekto ng Bagyong Kristine.
Inaasahan ng ahensya na mas lalaki pa ang naitalang pinsala ng bagyo kapag naisama na ang epekto sa iba pang agri commodities sa bansa.
Tiniyak naman ng DA na may nakahandang tulong na nakalaan para sa mga magsasakang nasalanta ng bagyo.
Dagdag pa ng DA, nasa P80.21 milyong halaga ng agricultural inputs ang nakahanda mula sa regional offices nito sa Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol, at Eastern Visayas.
Kaugnay nito, may P25,000 loan rin na maaaring mahiram ang mga napinsalang magsasaka sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
☻☻☻
Tuluy-tuloy naman ang UNA Ang Makati sa paghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa iba’t ibang mga barangay sa lungsod ng Makati.
Siniguro rin natin na lahat ng nasa evacuation centers ay nabigyan ng mainit na pagkain at mga relief packs.
Maraming salamat sa ating mga kaibigan at volunteers na tumulong sa atin na magpaabot ng tulong sa mga nasalanta.
Nariyan ang ating Bangkal TROPA na sina Kag. Mark Hildawa, Kag. Chan Jacinto, Kag. Tricia Eusebio, at Kag. Mario Montanez ng Brgy. Bangkal at Kag. Jebong Alegre ng Brgy. San Antonio na sinigurong makakarating ng maayos ang tulong sa ating mga kababayan.
Patuloy tayong mag-ingat at magtulungan para sa mga kababayan nating naapektuhan ng Bagyong Kristine.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay