ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | December 3, 2023
Tuwing December 1, ipinagdiriwang ang World AIDS Day para palawigin ang kaalaman ng publiko tungkol sa sakit na ito.
Hanggang ngayon kasi, may negatibong stigma pa rin at marami pa rin ang maling paniniwala tungkol sa sakit na ito.
Ang Human Immunodeficiency Virus or HIV ay isang virus na nagdudulot ng acquired immunodeficiency syndrome o AIDS. Pinahihina nito ang ating immune system.
At dahil nga unti-unti nang humihina ang pananggalang natin sa mga sakit, nagiging at-risk ang pasyente sa life-threatening infections.
☻☻☻
Ang masama pa rito, puwedeng kahit may virus tayo sa katawan ay mukha pa rin tayong healthy kaya hindi natin alam kung nakuha o naipasa na ba natin sa iba ang sakit na ito.
Ayon sa Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau, hanggang nitong Mayo 2023 ay may kabuuang 1,256 bagong HIV cases na nai-record kung saan nasa 48 kaso ng HIV, ang naitatala kada araw.
Nalaman din sa datos na 26% sa naturang bilang ay may “advanced HIV infection” at 20% ang kabataan.
☻☻☻
Preventable disease ang AIDS at madali itong maiiwasan kung susundin lamang natin ang panuntunan ng DOH.
Maraming organisasyon din ang patuloy na nagbibigay ng libreng tests para sa lahat. Bukod dito, may mga pasilidad din ang DOH na tutugon sa inyong pangangailangan at nagbibigay ng libreng gamot.
Ang pinakamahalaga, kailangan ang malawak na pang-unawa para unti-unting maaalis ang HIV/AIDS stigma. ☻☻☻
Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well.
Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay