ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | December 22, 2023
Lumagpas na sa 5 milyong turista ang dumalaw sa bansa.
Ayon sa Department of Tourism, umabot na sa 5.070 million ang international tourist arrivals sa bansa, lagpas sa 4.8 million na target ng ahensya. Katumbas ito ng P439.5 billion na receipts.
Mula sa bilang na ito, nasa 4,658,123 o 91.88 percent ang foreign tourists, habang ang natitirang 411,629 o 8.12 percent ay overseas Filipinos.
☻☻☻
South Korea ang top source market ng bansa na may 1,341,029 arrivals. Sumunod naman ang United States of America (USA) na may 836,694, next ang Japan, 285,655, saka ang China, 252,171 at Australia, 238,487.
Dagdag din ng DOT, noong 2022 ay 5.35 milyong trabaho ang nalikha mula lamang sa 2.6 milyon na visitor arrivals.
Para sa taong 2024, layunin ng DOT na umabot sa 7.7 milyon turista ang darating sa bansa.
☻☻☻
Nagagalak tayo na muli nang umuusad ang turismo ng ating bansa.
Mahalagang haligi ng ekonomiya ang turismo dahil direkta itong lumilikha ng trabaho sa mga komunidad.
Umaasa ako na sa patuloy nating pagtutulungan ay magtatagumpay tayo sa pagposisyon sa Pilipinas bilang top tourist destination sa Asya, kung hindi sa buong mundo.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay