top of page
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Marso 8, 2024


Nitong mga nakaraang buwan ay muli na namang napalibot sa kontrobersiya ang Masungi Georeserve Conservation Area.


Ito ay pagkatapos lumitaw ang drone images ng drilling operations ng Rizal Wind Energy Corp. (RWEC) sa Masungi Karst Conservation Area (MKCA).


Noong November 2023, apat na drilling rigs ang namataan sa MKCA kaugnay ng plano ng RWEC, na pagmamay-ari ng Singapore-based company na Vena Energy, na magtayo ng 12 wind turbines.

☻☻☻


Ang MKCA ay protektado ng Presidential Proclamation 1636 na nagtatakda rito sa mga piling lupain sa Rizal bilang national park, wildlife sanctuary, at game preserve. 


Protektado rin ang MKCA ng DENR Administrative Order No. 1993-33 (DAO 1993-33), at ng isang ordinansa ng Tanay na idinedeklara ang MKCA na conservation area. 


Mahigit 500 documented flora and fauna species ang matatagpuan sa MKCA, kabilang ang mga endangered na Philippine hawk-eagles, serpent eagles, at flying foxes.


☻☻☻


Kamakailan lang ay mahigit 30 environmental organization ang nanawagan na i-relocate na lang ang planong wind energy farm para maprotektahan ang maselang ecosystem ng MKCA.


Habang kinikilala nila ang pangangailangan para sa mga alternative at clean energy source, hindi raw masasakripisyo ang kalikasan para rito.


☻☻☻


Kaugnay ng drilling operation na ito ay naghain tayo noong nakaraang buwan ng resolusyon para imbestigahan ito.


Inaasahan nating sa lalong madaling panahon ay masisimulan ang pagdinig tungkol dito.

☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! 


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 7, 2024




Ihinirit ang imbestigasyon ng Senado sa mga kamatayang may kaugnayan sa hindi otorisadong paggamit ng intravenous (IV) glutathione.


Inihain ni Senadora Nancy Binay ang panukalang Senate Resolution 952 kung saan binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa mas mahigpit na regulasyon upang maiwasan ang mga trahedyang dulot ng nasabing gawain.


Saad ni Binay sa resolusyon, "It is alarming that despite warnings given by the [Food and Drug Administration (FDA)] and the Department of Health that the use of injectable glutathione for beauty enhancement and skin treatment is unsafe and illegal, celebrities and public figures continue to endorse the same."


Iginiit din ng Senadora na obligasyon ng Senadong usisain ang mga hindi otorisadong paggamit ng IV upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.


Nagpaalala rin si Binay na nagbabala na si Health Secretary Ted Herbosa laban sa IV glutathione matapos maiulat ang isang babaeng namatay dahil sa glutathione at intravenous infusion ng stem cell mula sa isang klinika sa Quezon City.

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Marso 3, 2024


Nitong Huwebes ay naging bahagi tayo ng 5th Philippine Silk Summit na ginanap sa Cagayan de Oro City.


Pinangunahan ito ng Department of Science and Technology-Philippine Textile Research Institute at dinaluhan ng mga stakeholders mula sa iba’t ibang panig ng bansa.


Dito pinag-usapan ang mga programa at bagong kaalaman na may kinalaman sa pagpapalago ng Philippine silk at iba pang Philippine fabrics.


Makakaasa kayo na patuloy nating isusulong ang interes ng Philippine silk at iba pang Philippine fabrics.

☻☻☻


Ang tema ng summit ngayong taon ay “Towards Philippine Silk Sufficiency”.


Layon nating payabungin ang silk production sa bansa para makasabay tayo sa inaasahang pagtaas ng worldwide demand nito.


Sa mga susunod na taon, nais nating makilala ang Pilipinas bilang isa sa mga premier source ng high-quality and sustainable silk.

☻☻☻


Magandang ideya din ang pagganap ng Silk Summit ngayong taon sa Cagayan de Oro City. Marami kasi sa mga komunidad dito ang nakaasa ang kabuhayan sa Philippine silk.

Magandang makita natin kung ano ang epekto ng programa ng pamahalaan sa mga benepisyaryo nito.


Inaasahan nating maraming mga Silk Innovation Hubs ang maitayo sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.


Umaasa din tayong mapakinggan ang mga kuwento ng ating mga kababayang nagbago’t umunlad ang kanilang buhay dahil sa seda.

☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page