ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Pebrero 11, 2024
Ngayong pagpasok ng Year of the Dragon, ang tanging hiling lamang natin ay itigil na ng mga kapwa natin mambabatas sa House of Representatives ang mga walang kwentang pagpapatutsada para lang hiyain ang Senado.
Nakakalungkot dahil ang patutsadahan na ito sa pagitan ng Mataas at Mababang Kapulungan ay hindi na angkop sa inaasahang standards ng mga mambabatas.
Nitong mga nakalipas na buwan, kapansin-pansin na ang word war sa pagitan ng Senado at Kamara ay halos katumbas na ng tabloid talk show na “Face 2 Face”.
☻☻☻
Parliamentary bullying na ang ginagawa ng ilang mga kongresista sa Senado.
Hindi na ito katanggap-tanggap at hindi na tumatayo sa pananagutan at moral responsibility ng isang public official.
Nagiging toxic na rin ito at patuloy na nagkakanulo sa tiwala ng mamamayan.
☻☻☻
May kasabihan tayo na “politics bring out the worst in us”.
Pero, hindi na katanggap-tanggap ang pambu-bully na ito ng Kongreso.
Walang puwang ang serial bullies sa pamahalaan. Ang gusto ng tao ‘yung matino at maayos na pamamahala.
Ipinapakita lamang nito na ‘di naman Konstitusyon ang problema. Kadalasan, ang mga pulitiko mismo ang problema.
☻☻☻
Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay