top of page
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 1, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Rainy season na sa ating bansa, at bukod sa ulan at baha ay may dala din itong dagdag na panganib sa anyo ng dengue.


Libu-libo pa rin sa ating mga kababayan, lalo na ang mga bata, ang tinatamaan ng dengue fever.


Ayon sa Department of Health, mula January hanggang June 1 ngayong taon ay 70,498 kaso ng dengue ang naitala. Nasa 197 na ang namatay dahil sa sakit na ito.


☻☻☻


Pareho pa rin ang istratehiya sa pag-iwas sa dengue, pangunahin na ang paglilinis ng kapaligiran upang masigurong walang pamumugaran ng lamok na may dengue virus; paggamit ng mga insect repellent at mosquito nets; at paghimok na gumamit ang mga bata ng damit na babalot sa mga braso at paa.


Kailangang maging consistent ang mga local government units natin sa pag-implementa ng mga istratehiyang ito sa ating mga pamayanan.


☻☻☻


Kamakailan ay hinimok din ng mga medical expert ang pamahalaan na aprubahan ang 2nd generation dengue vaccine upang mabigyan ng karampatang proteksyon ang mga kababayan natin kontra sa sakit.


Ayon sa kanila, naiiwan ang Pilipinas sa pagbakuna laban sa dengue. “Japanese drugs manufacturer Takeda Pharmaceuticals applied last year for the FDA registration of its dengue vaccine named QDENGA. Its approval is still pending,” ayon kay Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo.


Nabigyan na kasi ng lisensya ang QDENGA dengue vaccine ng Takeda Pharmaceuticals sa Indonesia noong August 2023, Thailand sa parehong taon, Malaysia nitong February 2024, and Vietnam naman nitong nakaraang buwan.


Tiniyak ng mga medical expert na ligtas ang vaccine na ito at makakatulong upang mapababa ang kaso ng mga nagkakasakit at maiwasan ang pagkamatay mula sa dengue.


☻☻☻ 


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 23, 2024


Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Nitong nakaraang linggo ay nagbitaw ng maanghang na salita si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. laban sa Chinese Coast Guard (CCG).

Tahasan niyang sinabi na nagmistulang mga pirata ang CCG personnel nang i-harass nito ang mga sundalong Pinoy sa resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.


Ayon sa mga ulat, sumampa diumano ang mga Chinese sa barko ng Pilipinas at nakipagbuno sa mga sundalo gamit ang patalim saka kinuha ang matataas na kalibre ng armas.


Walong sundalo ang sugatan, kabilang ang isa na naputulan ng daliri. Binutas din aniya ang isang inflatable boat.


Kinondena ng Department of Foreign Affairs ang ginawang pananakit ng CCG personnel sa mga sundalong Pinoy at paninira sa kagamitan ng AFP.

Iginiit naman ni Brawner sa China na isauli ang kinuha nitong mga armas ng mga sundalo at bayaran ang mga sinira nilang gamit ng AFP.


☻☻☻ 


Nakakabahala ang agresyon na ito ng CCG.


Dagdag pa rito, ang babala ng Pentagon na maaaring lalo pang magiging bayolente ang CCG sa mga darating na araw.


Nananawagan tayo sa Chinese Coast Guard na tigilan na ang ganitong mga agresibong aksyon.


Kung totoo nga na pinahahalagahan ng China ang pagkakaibigan ng ating mga bansa, nais nating maunawaan nila na hindi dapat sinasaktan ang mga kaibigan.


☻☻☻ 


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice! 


☻☻☻ 


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 20, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Hinihimok natin ang National Food Authority na gumamit ng vulnerability map para masigurong matutulungan ang mga magsasakang nangangailangan.


Matagal nang napapabayaan ang ating mga rice farmer – hindi lang pagdating sa bilihan ng palay, kundi pati na rin sa mga ibinibigay na ayuda at tulong sa pagsasaka. 


Sa pamamagitan ng pagtarget ng mga lugar na may mataas na concentration ng naghihirap na magsasaka, mas magiging epektibo ang paggamit ng NFA ng mga pondo nito.


Kung aayusin ang sistema ng pagbili ng NFA sa bigas, may potensyal na matulungan nito hindi lang ang mga konsyumer na umaaray sa mataas na presyo ng bigas, kundi pati ang ating mga magsasaka na makapagbebenta nang mas mataas kaysa farm-gate prices.


☻☻☻


MARIIN nating kinokondena ang agresyon ng Chinese Coast Guard sa ating mission ship malapit sa Ayungin Shoal noong June 17.


Mahirap paniwalaan na ang supply ship pa ang may sala samantalang maraming ulat ng mga katulad na insidente ng pagbangga ng CCG sa ating mga bangka, maging ng mga foreign-flagged vessels.


Nananawagan tayo sa Chinese Coast Guard na tigilan ang agresibong aksyon at ipakita ang pagkakaibigan at mabuting pakikitungo na ipinamamalas natin sa kanila.


Kung totoong kaibigan natin ang China, nais nating maunawaan nila na hindi natin

sinasaktan ang mga kaibigan natin.

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page