top of page
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 4, 2024


Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Nitong Huwebes, ika-1 ng Agosto, nagkaroon ng pagdinig ang Senate Committee on Public Works para busisiin kung bakit sa kabila ng malaking pondo na inilalaan kada taon para sa flood control projects, nangyari pa rin ang matindi at malawakang pagbaha sa Metro Manila at karatig na mga probinsya.


Fifteen years makalipas ang Ondoy, ano na ang nangyari sa dose-dosenang feasibility studies at flood management plans para sa Metro Manila -- na pinondohan ng ating pamahalaan at maging ng ibang bansa kasama na ang World Bank?


Anong nangyari sa lagpas trilyong pisong flood control projects ng DPWH, MMDA -- kasama na ang DILG, DHSUD, DENR, LLDA, at mga lokal na pamahalaan?


☻☻☻


Nakakalungkot dahil nalaman natin sa pagdinig na walang master plan o kabuuang plano para sa flood control projects sa Metro Manila.


Mismong si DPWH Secretary Manuel Bonoan na rin ang nagsabi na hindi integrated ang mga nabanggit na proyekto dahil kada proyekto ay nakatutok lamang sa partikular na lugar o ilog.


Dagdag pa niya, maraming master plan sa 18 pangunahing river basins subalit karamihan ay nasa preparation stage pa rin.


☻☻☻


Hindi na bago sa ating bansa ang pagdaan ng mga bagyo at habagat.


Ngunit hindi naman nangangahulugan na tuwing may bagyo at malakas na ulan ay tatanggapin na lang natin na may baha.


At hindi rin siguro tama na palagi na lang tayong aasa sa resiliency ng ating mga kababayan pagdating ng sakuna.


Ayaw na nating maulit ang nangyari sa atin noong kasagsagan ng Bagyong Carina at nararapat lamang na siguruhin ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga mamamayan.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 1, 2024


Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Nitong July 28 ay nagdaan ang komemorasyon ng World Hepatitis Day.


Dumarami na ang kaso ng viral hepatitis hindi lamang sa bansa, kundi sa buong mundo.

Ayon sa 2024 Global Hepatitis Report ng World Health Organization, 304 milyong katao worldwide ang may hepatitis B at C noong 2022. May “rising trend” daw sa pagkamatay mula sa viral hepatitis, dahil bagama’t nagkaroon ng progreso sa pag-iwas sa hepatitis infection, kaunti lamang ang nada-diagnose at nagpapagamot.


Ang viral hepatitis na raw ang second leading cause of infectious death sa buong mundo. Nasa 1.3 milyon ang nasasawi mula sa sakit na ito kada taon, na kapareho na ng mga namamatay dahil sa tuberculosis.


Nasa 3,500 indibidwal naman ang namamatay araw-araw sa buong mundo dahil sa hepatitis B at C.


☻☻☻


Dito sa Pilipinas, umabot umano tayo sa 6.1 million hepatitis cases — 5.7 million hepatitis B, at 400,000 hepatitis C — noong 2022, na katumbas ng 2 percent ng worldwide infections sa taong iyon.


Nasa 1,045 kababayan natin ang namatay dahil sa viral hepatitis noong 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority.


Batay naman sa Hepatology Society of the Philippines (HSP), nasa 7.3 million adult Filipinos ay chronically infected ng hepatitis B virus (HBV), na halos doble umano ng kaso sa buong Western Pacific region. 


Ang hepatitis B at C ay nagdudulot ng chronic disease sa milyun-milyong tao, at siyang pinaka-karaniwang sanhi ng liver cirrhosis, liver cancer, at iba pang viral hepatitis-related deaths.


☻☻☻


Mapanganib na sakit ang hepatitis, at marami sa mga kababayan ang humaharap sa banta nito.


Mahalaga na magkaroon ng access sa hepatitis testing, integrated prevention, care, at treatment services ang mga kababayan natin.


Kaugnay nito, ipinanukala natin ang Senate Resolution No. 1088 para maimbestigahan ang lumalalang kaso ng hepatitis sa ating bansa, lalo na para matukoy kung anong istratehiya ng pamahalaan upang epektibong maaksyunan ito.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 28, 2024


Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga karatig probinsya nito sa Luzon dahil sa Bagyong Carina na sinabayan pa ng Habagat.


Base sa ulat ng Department of Agriculture (DA), umabot na sa mahigit P200 milyong halaga ang nalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa pinsalang hatid ng Habagat at bagyo.


Dagdag pa ng DA na karamihan ng pagkalugi sa agrikultura ay bigas na inilagay sa 2,299 metriko tonelada. Kabilang sa iba pang mga produktong agrikultural na nasira ay mga high-value crops, mais, mga alagang hayop at manok.


Samantala, nauna nang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nagtamo ang bansa ng mahigit P9.7 bilyong halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng katatapos lamang na kalamidad. 


☻☻☻


Nakakadismaya dahil tila wala pa ring pagbabago sa mga flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Labinlimang taon pagkatapos ng pananalasa ng Bagyong Ondoy, parang ganu’n pa rin ang sitwasyon sa Metro Manila at maging sa mga karatig lalawigan.


Nakakalungkot dahil sa panahon ng makabagong teknolohiya at sa kabila ng malaking pondo para sa flood control projects ng DPWH at MMDA, masasabi nating hindi ito nakatulong para mapangalagaan ang mga komunidad.


Napapanahon na muling pag-aralan ng pamahalaan ang mga polisiya at programa nito para itama ang palpak na sistema.


☻☻☻


Bukod dito, ang patuloy na reclamation sa Manila Bay ay mas lalo pang nagpabigat ng pagbaha sa Metro Manila.


Paano tayo magiging seryoso sa pagbibigay-solusyon sa baha kung patuloy ang ating pagwawalang-bahala sa ating kapaligiran at kalikasan?


Totoo at nararanasan na nating lahat ang epekto ng climate change kaya naman dapat lamang na ipatupad ng maayos ang DRRM Law, climate change adaptation, at disaster risk management sa CLUP ng mga LGU.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page