ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 13, 2024
Kahapon ipinagdiwang natin ang ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng ating bansa.
Matatandaang inihayag ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng Espanya sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898.
Kaya naman sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 28 noong 1962, opisyal na itinalaga ang ika-12 ng Hunyo bilang special public holiday sa buong bansa para gunitain ang kasarinlan ng ating bayan.
☻☻☻
Ang tema ng selebrasyon para taong ito ay “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.”
Akma ang temang ito dahil ang araw na ito ay isang mahalagang okasyon para bigyan ng pagpapahalaga ang naging sakripisyo ng ating mga bayani.
Mahalagang alalahanin at bigyang pugay ang ating mga bayani na nagpamalas ng hindi mapapantayang katapangan at pagmamahal sa Inang Bayan para makamit ng bansa ang kalayaan.
☻☻☻
Maging inspirasyon sana ang katapangan ng ating mga ninuno para lalo pa nating bigyang halaga ang kalayaang tinatamasa sa kasalukuyan.
Kalakip ng pagdiriwang na ito ang responsibilidad na siguruhin na ang tinatamasang kalayaan ay maprotektahan at mapangalagaan.
Araw-araw sana nating panatilihing umaalab ang pusong puno ng pagmamahal sa ating Inang Bayan.
☻☻☻
Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay