top of page
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | September 5, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Humakot ng awards ang Pilipinas sa larangan ng turismo sa 2024 World Travel Awards.

Walong major awards ang natanggap ng ating bansa sa WTA Asia & Oceania Gala Ceremony na idinaos sa City of Dreams Manila noong Martes.


Ang mga natanggap na award ay Asia’s Leading Marketing Campaign 2024 (Love The Philippines); Asia’s Leading Luxury Island Destination 2024 (Boracay); Asia's Leading Tourist Attraction 2024 (Intramuros); Asia’s Leading Beach Destination 2024; Asia’s Leading Dive Destination 2024; Asia’s Leading Island Destination 2024; Asia’s Leading Wedding Destination 2024 (Cebu); at Transformational Leader Award in Tourism Governance (Tourism Secretary Christina Garcia Frasco).


☻☻☻


Patunay ang mga pagkilalang ito sa potensyal ng ating bansa na maging leading tourist destination.


Hindi lang natural destinations ang mayroon tayo, kundi makulay na kultura’t kasaysayan.


Umaasa tayong mas marami pa ang makasaksi sa ganda ng Pilipinas, ang matikman ang masasarap nating pagkain at makisaya sa ating mga fiesta.


☻☻☻


Upang makamit ang hangaring ito, kailangang patuloy lang na kumilos ang buong pamahalaan upang pagbutihin ang iba’t ibang sangay na konektado sa turismo.

Pangunahin dito ang pagkakaroon ng maayos na transportasyon, mga health facility at maayos na mga palikuran, at pagsugpo ng krimen.


Kailangan din na magkaroon ng maigting na konserbasyon at rehabilitasyon ng mga tourist destinations at natural sites.


☻☻☻


Malaki ang maaaring maiambag ng turismo sa pag-unlad at sa pagkakaroon ng magandang buhay ng ating mga kababayan.


Kaya’t umaasa tayo na patuloy lang na uusad ang turismo sa bansa.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | September 1, 2024


Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Nitong nakaraang linggo ay pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon na nagbibigay-pugay kay dating House Speaker Jose de Venecia, Jr. 


Pormal na inihain ng inyong lingkod ang PS No. 1142 upang kilalanin ang kanyang mahalagang ambag sa ating pamahalaan at pandaigdigang diplomasya. 


Kinikilala rin nito ang limang termino ni De Venecia bilang Speaker ng House of Representatives at sa kanyang papel sa kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas. 


☻☻☻ 


Marahil marami sa mga kabataan ngayon ang hindi na maalala ang naging ambag ni Speaker De Venecia, na kilala rin bilang JDV. 


Napakahalaga ng kanyang “Rainbow Coalition” sa House of Representatives na nagbigay ng katatagan sa bansa matapos ang Batas Militar. 


Ang koalisyon na ito ay nagpadali sa pagpasa ng higit sa 200 mahahalagang batas sa ilalim ng administrasyon ng dating Pangulong Fidel V. Ramos. 


Ilan sa mga batas na kanyang isinulong ay ang B-O-T (Build-Operate-Transfer) Law, ang Military Bases Conversion Law, at ang batas na lumikha sa Central Bank of the Philippines. 


☻☻☻ 


Bukod sa kanyang mga kontribusyon bilang mambabatas, lubhang mahalaga rin ang kanyang papel pagdating sa diplomasya. 


Naging tagapamagitan siya sa usapang pangkapayapaan sa mga grupo gaya ng Muslim separatists at mga rebeldeng komunista.


Siya rin ang nagsulong ng mga inisyatiba tulad ng Interfaith Dialogue sa United Nations na naglalayong lutasin ang mga tunggalian sa pulitika at relihiyon. 


Maraming salamat JDV sa iyong dedikasyon at serbisyong bayan. Nawa’y patuloy kang magbigay inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga mamumuno sa Pilipinas. 

 

☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 29, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Kamakailan lang, muling nagkaroon ng insidente ng agresyon ang China kontra sa atin.

Nitong August 25, binangga at ginamitan ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang BRP Datu Sanday.


Nagsasagawa ang BRP Datu Sanday ng humanitarian mission mula Hasa-Hasa Shoal para mag-deliver ng pagkain, diesel, at medical supplies sa mga mangingisdang Pilipino sa Escoda Shoal. Ang Hasa-Hasa Shoal ay matatagpuan 60 nautical miles mula sa Palawan.


☻☻☻


Nananawagan tayo sa People’s Republic of China na itigil na ang ganitong mga gawain na sinusubok ang mabuting pakikitungo ng bansa natin.


Hindi lamang ito paglabag sa international law, kundi pagbalewala na rin sa kabutihan at pasensya na ipinamalas ng ating bansa sa pagtugon sa ating mga maritime dispute sa mapayapang paraan.


Patuloy na gagalugarin ng ating bansa ang mga diplomatikong paraan upang maresolba ang mga isyu ngunit kailangang maging malinaw na patuloy nating ipagtatanggol ang ating soberanya at ang kapakanan ng ating mga kababayan.


☻☻☻


Inanunsiyo ng Department of Health na kukuha ito ng 2,000 dose ng Jynneos vaccine para sa mpox.


Ayon sa DOH, iba ang Jynneos vaccine sa smallpox vaccine.


“The smallpox vaccine is (made) from vaccinia (virus). This one for mpox (Jynneos) is modified vaccinia Ankara. Vaccinia and MVA belong to the same Orthopoxvirus family where mpox also is,” ani Health Assistant Secretary Albert Domingo. 


Nasa 14 na ang kaso ng mpox mula noong July 2022. Sa bilang na ito, siyam na pasyente ang matagal nang naka-recover, habang lima ang kumpirmadong active cases.

Hinihikayat natin ang ating mga kababayan na mag-ingat at ibalik ang mga health protocols na ginawa natin noong pandemya upang maiwasan ang pagkahawa.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page