top of page
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Oct. 10, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Nitong nakaraang Martes, naisabatas na ang isang panukalang naglalayong palakasin ang self-reliant defense posture ng bansa.


Nilagdaan ni Pres. Ferdinand Marcos, Jr. ang Self-Reliant Defense Posture (SRDP) Revitalization Act o Republic Act 12024 na layuning linangin ang kapabilidad ng ating bansa na depensahan ang sarili sa harap ng iba’t ibang banta.


Nasaksihan natin ang paglagda sa Malacañang kasama ang iba pang mambabatas.

Sisikapin din ng national defense program na palaguin ang ating local defense industry sa pamamagitan ng partnership sa pagitan ng pamahalaan at private manufacturers para sa paggawa ng mga armas at ibang defense material para sa ating militar.


Mandato rin ng bagong batas na suportahan ang mga polisiya, research, maintenance at installment habang lumilikha ng istratehiya para mapalakas pa ang production competitiveness.


☻☻☻


Sa kabila ng iba’t ibang banta sa ating soberanya at seguridad, hindi tayo dapat nakaasa lamang sa mga kaalyadong bansa. 

Mahalaga na may sarili tayong kapasidad at kapabilidad na ipagtanggol ang ating sarili.

Kaya’t lubos nating sinusuportahan ang batas na ito.


☻☻☻


Ang October ay Museum and Galleries Month.

Magandang pagkakataon ito na kilalanin natin ang ating kultura’t kasaysayan.

Hinihikayat natin ang ating mga kababayan na dalawin ang ating mga museum at gallery, at tuklasin ang napakaganda nating pamana.



☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Oct. 6, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Congratulations sa Senate Sentinels na Back-to-Back Champions ng UNTV Cup Executive Face-Off.


Alam nating hindi naging madali ang inyong mga laban at hindi biro ang inyong ginawang paghahanda.


Muli, congratulations sa inyo lalo na sa ating mga kaibigan na sina Sen. Joel Villanueva, Sec. Sonny Angara, at Sen. Bong Go. We are proud of you!


☻☻☻


Nitong nakaraang Huwebes ay dumalo tayo sa paglagda ng Republic Act 12023 na magpapataw ng 12 percent value-added tax (VAT) sa mga non-resident digital service providers (DSPs).


Layunin ng batas na ito na matugunan ang pagkalugi sa mga e-commerce transactions.

Kasama rito ang online search engines, online marketplaces, cloud services, online media at advertising, online platforms, digital goods, digital businesses at iba pa.

Inaasahang nasa P105 billion ang makokolektang dagdag na revenue ng pamahalaan mula sa batas na ito sa susunod na limang taon.


☻☻☻


Sa kanyang talumpati sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na hindi ito pagdadagdag ng buwis.


Aniya, pinapalakas lamang ang kapangyarihan at proseso ng Bureau of Internal Revenue na mangolekta ng value-added tax sa digital services.


Dagdag pa ng Presidente, layon ng batas na maging patas na ang pangongolekta ng buwis sa mga lokal na negosyante at international digital platforms.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Oct. 3, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Nitong October 1, nagsimula na ang filing para sa mga kakandidato sa 2025 elections.

Hanggang October 8 ang paghahain ng certificate of candidacy (CoC) para sa mga balak tumakbong senador, district at party-list representative, governor, vice governor, board member, mayor, vice mayor, at mga konsehal.


☻☻☻


Noong October 1, pagkatapos ng matagal-tagal na pagdesisyon, ay naghain tayo ng kandidatura natin para sa pagka-mayor ng Makati.


Bitbit ang mga perspektibo at kaalaman na napulot natin sa 12 taong pagsisilbi sa Senado, nais nating ipagpatuloy ang mga serbisyo upang mas maramdaman ng mga taga-Makati ang progreso.


☻☻☻


Matatapos na ang paggunita natin ng National Teachers’ Month sa October 5.

Kaugnay nito, naglabas ang Department of Education ng memorandum na dinidirekta ang mga paaralan na huwag pilitin ang mga guro na magturo ng higit sa anim na oras sa isang araw.


Ayon sa memo na pinirmahan ni Sec. Sonny Angara, “actual teaching loads in excess of six hours shall be compensated through payment of teaching overload, provided that it does not exceed two hours per day as stipulated in Republic Act 4670.” 

Good news ito para sa ating mga guro, at nawa’y makatulong ang memo na ito sa pagpapabuti ng kalagayan nila sa trabaho.


Umaasa tayong isa lang ito sa marami pang hakbang upang maitaguyod ang kapakanan nila.

Happy Teachers’ Month sa ating mga guro, at mabuhay kayo!



☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page