top of page
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Oct. 20, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Tuwing ika-16 ng Oktubre ay ipinagdiriwang natin ang World Food Day.

Ito ay isang taunang pandaigdigang pagdiriwang na naglalayong itaas ang kamalayan at kumilos laban sa pandaigdigang gutom at malnutrisyon.


Bilang chair ng Senate Committee on Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking, kaisa ako sa mga sumusuporta sa inisyatiba ng pamahalaan na gumawa ng samu’t saring mga programa para sa araw na ito.


Matatandaang kabilang ang pagpuksa sa kagutuman sa UN Sustainable Development Goals (SDGs) na naglalayong tapusin ang problema hinggil dito pagdating ng taong 2030.


Ito na ang ika-43 sunod na taon na lumahok ang Pilipinas sa nasabing selebrasyon, kasama ang 149 na bansa.


☻☻☻


Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Right to Foods for a Better Life and a Better Future. Leave No One Behind.”


Nais ng tema ngayong taon na bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkain bilang pangunahing pangangailangan.


Ang pagkain ay dapat ituring na karapatan ng bawat tao, hindi lamang pribilehiyo.

Umaasa tayo na kahit matapos ang pagdiriwang ng World Food Day, patuloy pa rin ang pamahalaan sa paggawa ng mga programang tutulong sa mga nagugutom.


Napapanahon nang wakasan ang kagutuman hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang bahagi

 

☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Oct. 17, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

May nilagdaang bagong proklamasyon si Pres. Ferdinand Marcos, Jr., na naglalayong palawigin ang kamalayan ng mga kababayan natin para sa mga pinagbubuntis na nalaglag at bagong silang na agad pumanaw.


Itinatakda ng Proclamation 700 ang October 15 kada taon bilang National Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day para sa kamalayan at pagbigay ng suporta sa mga pamilyang apektado ng malungkot na pangyayaring ito.


Pinawawalang-bisa nito ang Proclamation 586, na idineklara ang March 25 kada taon bilang Day of the Unborn.


Bukod sa pagkilala ng dinaranas ng mga nanay at pamilyang apektado, layunin din ng Proclamation 700 na magbigay ng komprehensibong suporta sa mga apektadong pamilya, kasama na ang mental health services, community programs, at informed health care guidance.


☻☻☻


Lubos nating sinusuportahan ang proklamasyong ito, na bahagi ng responsibilidad ng estado na protektahan ang kapakanan at kalusugan ng mga nanay at sanggol.

Mahirap at masakit ang mawalan ng anak, lalo pa kung dahil sa mga sirkumstansyang dala ng kahirapan.


Kaya’t mahalaga din na matutukan ang maayos na implementasyon ng First 1,000 Days Law na may mandatong suportahan ang mga nanay at pamilya mula pagbubuntis hanggang sa umabot ng 24 months ang sanggol.


Nakakabit ang kinabukasan ng ating bansa sa kalusugan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon ng mga Pilipino.


Nararapat lamang na gawin ng pamahalaan ang makakaya nito upang masigurong malusog at malakas ang mga kababayan natin upang mas maayos nating maharap ang iba’t ibang hamon ng buhay at pagbuo ng bansa.

 

☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Oct. 13, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Tuwing buwan ng Oktubre ipinagdiriwang natin ang breast cancer awareness month. 

Layunin ng pagdiriwang na ito na paalalahanan ang lahat, lalo na ang mga kababaihan na bigyang atensyon ang maagang pagdiskubre at ang mga maaaring gawin para magamot ang sakit na ito.


Pink na ribbon ang ginagamit na simbolo para ipahiwatig ang pag-asa, pakikiisa, at suporta sa mga may breast cancer.


☻☻☻


Isang malupit na karamdaman, ang breast cancer.

Ito ang nangungunang cancer pagdating sa mga kababaihan at pangalawang cancer na may pinakamaraming bilang sunod lamang sa cancer sa baga.


Ayon sa World Health Organization, lagpas sa mahigit 33,000 ang may breast cancer sa ating bansa.


Kaya naman taun-taon ay gumagawa tayo ng mga paraan para maging aware ang ating mga kababayan tungkol dito.


☻☻☻


Hinihimok natin ang mga kababaihan na gamitin ang mammogram at ultrasound package ng PhilHealth para maagapan ang paglala ng sakit na ito.

Iyong mammogram at ultrasound ng upper abdomen, pelvis at breast ay kasama na sa Konsulta package ng PhilHealth.


Itinaas na rin ng PhilHealth sa P1.4 milyon ang “Z-benefit” package para sa mga breast cancer patient mula sa dating P100,000.


Ang Z-benefit package ay ibinibigay na serbisyo ng PhilHealth para sa mga tinatawag na “Case Type Z” o mga mapanganib na karamdaman kung saan maaaring magtagal sa ospital ang isang pasyente para sa mahabang gamutan.


Para sa ating mga kababayang may breast cancer, hindi pa huli ang lahat. Handa ang pamahalaan para tulungan kayo sa panahon ng pangangailangan. 


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page