ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 22, 2021
Pinayagan na sa wakas ang pagsagawa ng pilot testing ng face-to-face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.
Ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Lunes na isasagawa ang pilot testing sa mga lugar na pipiliin ng Department of Health.
Ayon naman sa Department of Education, hanggang 100 paaralan na papasa sa “readiness assessment” ang lalahok sa pilot test. Inaasahan ding lumahok ang 20 pribadong paaralan.
☻☻☻
Ang mga lalahok sa pilot testing ay ang mga sumusunod na antas: Kindergarten: 12 students; Grades 1 to 3: 16 students; Technical-vocational program in Senior High School: 20 students.
Half-day ang mga klase, at magaganap kada makalawang linggo. Hanggang tatlong oras lang ang klase ng mga kinder-grade 3, at apat na oras naman sa senior high.
Aabot ng dalawang buwan ang pilot testing, ngunit hindi pa napagpasiyahan kung kailan ito magsisimula.
Nilinaw din ng DepEd na kailangang may suporta ng lokal na pamahalaan ang paglahok ng mga paaralan. Kailangan ring pumayag ang magulang ng estudyante bago makalahok.
☻☻☻
Suportado natin ang hakbang na isagawa ang pilot testing ng face-to-face classes.
Malaki ang maitutulong nito sa pagtugon sa education crisis na lumalala dahil sa patuloy na pagsara ng paaralan.
Ngunit kailangang triplehin ng pamahalaan ang pagsusumikap na maging as safe as possible lahat ng lalahok, lalo na ang mga bata.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay