top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 4, 2021




Patay ang mahigit 40 katao sa isinagawang magkakahiwalay na kilos protesta sa Myanmar kahapon, Marso 3. Batay sa ulat, walo ang namatay noong umaga at 7 ang nadagdag kinahapunan sa Yangon City.


Habang sa bayan ng Monywa ay 6 ang pinatay at ang iba ay natagpuan ang bangkay sa mga bayan ng Mandalay City, Hpakant, at Myingyan.



Kabilang sa mga namatay ang 3 bata at isang 14-anyos na lalaking napadaan lamang umano sa convoy ng military truck.


Ayon kay United Nations Special Envoy Christine Schraner Burgener, “Today it was the bloodiest day since the coup happened on the 1st of February. We had today — only today — 38 people died. We have now more than over 50 people died since the coup started, and many are wounded.”




Naganap ang pinakamadugong protesta matapos manawagan ang Association of South East Asian Nation (ASEAN) upang palayain ang lider ng Myanmar na si Suu Kyi at ibalik ang demokrasya sa bansa.


Nagpahayag na rin ng pakikidalamhati si Pope Francis sa kanyang Twitter post, “Sad news of bloody clashes and loss of life… I appeal to the authorities involved that dialogue may prevail over repression.”


Iginiit naman ng European Union ang naging paglabag ng mga militar sa international law. Anila, “There must be accountability and a return to democracy in Myanmar.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 1, 2021




Inaresto ng military ang Myanmar leader na si Aung San Suu Kyi at ang iba pang senior figures ng kanyang ruling party na National League for Democracy (NLD) ngayong Lunes.


Pahayag ni Myo Nyunt, spokesman ng NLD, "We heard the President (Win Myint) and State Counsellor (Aung San Suu Kyi) have been detained in Naypyidaw... we heard they were taken by the military.


"With the situation we see happening now, we have to assume that the military is staging a coup."


Inaresto si Suu Kyi kaugnay ng umano’y dayaan sa eleksiyon noong Nobyembre nang manalo ang NLD party na naging dahilan ng pag-igting ng tensiyon sa pagitan ng civilian government at military.


Samantala, panawagan ni Myo Nyunt sa publiko, "I want to tell our people not to respond rashly and I want them to act according to the law.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page