top of page
Search
  • BULGAR
  • Jun 10, 2023

ni Mai Ancheta | June 10, 2023




Magpapatupad ng libreng sakay ang Light Rail Transit 1 at 2 at Metro Rail Transit (MRT) sa Lunes, June 12, sa selebrasyon ng Independence Day.


Ang libreng sakay ay bilang pakikiisa ng Department of Transportation sa ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.


Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways and MRT-3 officer-in-charge Jorjette Aquino, ang libreng sakay ay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.


Sinabi ng opisyal na ang libreng sakay ay taunang ginagawa ng DOTr bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Independence day.


 
 

ni Madel Moratillo | April 14, 2023




Inirekomenda na ng Department of Transportation ang paglalagay ng platform barriers sa mga istasyon ng tren.


Kasunod ito ng pagkasawi ng isang 73-anyos na ginang matapos tumalon sa riles habang may paparating na tren.


Ayon kay Transportation Assistant Secretary at MRT-3 officer-in-charge Jorjette Aquino, noong nakaraang administrasyon ay nagkaroon na ng kaparehong proposal pero dahil sa kakulangan sa budget ay hindi ito natuloy.


Kaya ngayon, susubukan aniya nila itong muli.


Tiniyak ng DOTr na ang kanilang security personnel ay mahigpit na ipapatupad ang patakaran na ang mga pasahero ay hindi makatawid sa yellow line sa mga platforms ng train station hangga’t hindi tuluyang nakakahinto ang tren.


Pinaaalalahanan din sila na mahigpit na i-monitor ang mga pasahero kung may kakaibang kinikilos.


Babala ng opisyal, may katapat na penalty sa mga pasaherong sasadyaing pigilin o abalahin ang railway operations.


 
 

ni Mylene Alfonso | April 12, 2023




Ipinagpaliban ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pagpapatupad sa pagtaas ng pamasahe para sa Light Rail Transit (LRT) lines 1 at 2.


Ito ang inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) makaraang aprubahan ng ahensya ang fare hike sa LRT 1 at 2.


Base aniya sa direktiba ni Pangulong Marcos, pag-aralan muna ang magiging epekto sa mga pasahero bago ipatupad ang taas-pasahe.


“In compliance with the President’s instruction, we will thoroughly study how a fare hike today will impact on passengers of our three rail lines in Metro Manila,” pahayag ni

Bautista sa press briefing sa Malacañang matapos ang isinagawang pulong kasama ang

Pangulo at ibang miyembro ng gabinete.


Sinabi ni Bautista na magtataas sana ng boarding fee ng P2.29 at 21 centavos para sa bawat kilometro ang inaprubahang rate.


Bukod dito, ipinagpaliban din aniya ang petisyon sa pagtaas ng pamasahe para sa MRT-3 dahil hindi umano nakasunod sa mga requirements at procedure.


Idinagdag ni Bautista na gagamitin sana ang malilikom na pondo para sa technical capability, services at facilities ang dalawang linya ng tren.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page