ni Lolet Abania | October 10, 2021
Balik na ang operasyon ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT3) ngayong Linggo ng umaga matapos ang naganap na sunog sa isang istasyon nito, kagabi.
“The MRT-3 resumed its full operations today, with 17 trains running, from North Avenue station to Taft Avenue station (both bounds),” pahayag sa Twitter ng pamunuan ng MRT3 pasado alas-6:00 ng umaga ngayong araw.
Tatlong babae ang nasugatan matapos na sumiklab ang apoy mula sa isang train coach sa may Guadalupe station sa EDSA nitong Sabado ng gabi.
Ayon sa MRT 3 management, nagsimula ang sunog bandang alas-9:12 ng gabi habang naapula ang apoy ng alas-9:51 ng gabi.
Pahayag pa ng MRT3, “The women sustained bruises in their legs after jumping off the train to the mainline tracks.”
Agad namang nilimitahan ang biyahe nitong Sabado na mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard lamang dahil sa insidente.
Gayunman, alas- 9:30 ng umaga ngayong Linggo, 18 trains ang nag-o-operate na sa buong linya nito.