ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 1, 2023
Tataas sa susunod na taon ang pamasahe sa MRT-3, ayon sa Department of Transportation ngayong Biyernes.
Sinabi ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan na inaasahang ipatupad ang pagtaas ng pamasahe sa unang quarter ng 2024.
Binanggit pa niya na ang MRT-3 fare adjustment ay magiging katulad ng pagtaas na ibinigay sa LRT Lines 1 at 2 na may karagdagang boarding fee na P2.29 at pagtaas ng P0.21 bawat kilometro.
“Kinakailangan na siguraduhin ng gobyerno na ating mapapanatili ang tamang pagtakbo ng ating mga tren, ating railway system, at tinatapat lang natin ang pangangailangan ng maintenance o pangangailangan ng operations doon sa pasaheng ibinabayad ng passengers,” paliwanag niya.